Chapter 81

5K 70 4
                                        

Den's Pov

Pilit kong sinisiksik sa utak ko na isang PANAGINIP lang ang nangyari kagabi, na isang bangungot lamang ang lahat. Ngunit sa kabila ng lahat, ito'y naging totoo. Napakahirap TANGGAPIN na wala na ang taong iniibig ko, minamahal ko.

Ni wala pa akong tulog, maga na aking mga mata. Pinilit kong makababa upang mahimasmasan ang aking sarili.

Pababa na ako ng makitang kong may ginagawa si Greta sa may telepono.

Ngunit nagdire diretso lang ako sa kusina at kumuha ng tubig. Pagkatapos non umupo ako, naramdaman ko naman na bumababa yung iba at ang iba naman kong teammates ay tumabi sakin.

Parang kelan lang, naggigitara pa sya tapos ngayon wala na. - sabi ni Mich , tumulo na naman ang aking mga luha at nagsimula humagulgol

Oo nga. Di ko man lang sya tinanong kung may problema para natulungan ko. . - rinig kong sabi ni Marge

B-besh? B-bakit? Bakit kailangan mong gawin ito? Bakit di ka man lang nagsabi huh? - sabi ni Ella na umiiyak . At lahat kami tuluyan ng nagdalamhati

Ako! A-ako ang may kasalanan kung bakit s-sya nagkaganyan! Ako ako! - sigaw ko habang hinahampas ko ang aking sarili

Dapat di ko nalang sya iniwan! Dapat di ako nagpadala sa sarili ko! Dapat buhay pa sya sana ngayon! - dugtong ko pa

Den! Tama na! Ok? Di mo kasalanan. - sabi ni A at hinigit ako ng yakap. Wag mong sasaktan ang sarili mo, dahil malulungkot si Aly. - dugtong pa nya. Napakapit nalang ako ng mahigpit sakanya at umiyak ng umiyak

C-capt? Tignan mo oh? - sabi ni Jirah kaya umalis ako sa pagkakayakap ko kay A at tumingin sakanila. Nakita ko naman na may hawak na papel si Capt

Tinignan naman ni Capt yun at binasa.

To All my Beloved Teammates,
Thank you for all the happiness we've shared. Di ko makakalimutan yung mga moments na nacreate natin, sayang nga lang dahil magkukulang kayo pero sana wag kayong malulungkot. Gusto ko maging masaya kayo. Nagawa ko lang 'to dahil mahal ko kayo mahal ko si Den at higit sa lahat ayaw ko kayong madamay at masaktan kaya ako nalang ang nagparaya. Alam kong isang malaking kasalanan ito, pero sana mapatawad nyo'ko. Mapatawad nyo'ko sa mga nagagawa ko nitong mga nakakaraang buwan. Sorry talaga.

Habang binabasa ni Capt ito, lahat kami nagsimulang umiyak. Di ko kaya, di namin kayang pigilan.

Kay Dude A at Gretch, Mga Dude! Ingat kayo palagi. Ingatan nyo si Fille at si Capt ha? Wag nyo silang sasaktan. Promise me! Gusto ko palaging kayong masaya. Wag kayong magalala sasabihin ko kay Lord na pagtagalin kayo dahil alam kong di nyo kayang mawala sila. At sasabihin ko din na bigyan kayo ng lakas ng loob para kung ano man ang mangyari ay kakayanin nyo. Yun lang, wag kayong mag alala dadalawin ko kayo. Mag jajaming pa tayo kakanta tayo ng walang humpay at magiinuman hanggang makaabot ng kinabukasan. Yun nga lang ----

And to my beshfriend Ellapots, Besh? Sorry. Kapag kinukulit mo'ko about sa contusions ko tapos sinisinghalan pa kita. Sorry talaga. Ayoko lang talaga kayong magalala. Besh? Alam mo? Mamimiss kita. Mamimiss ko yung kakulitan katakawan at syempre yung pinakadabest na bestfriend in whole world. Laging kang magiingat tska pag sinasaktan ka ni Kiwi sabihin mo lang sakin ha? Uupukan natin. :)

And lastly, Den, siguro nabasa mo na yung sulat ko sa may gitara? Pahabol ko lang 'to, Sana maging masaya ka sa boyfriend mo kay LA. Sana wag ka nyang sasaktan. Dahil ako mismo ang makakalaban nya pag ginawa nya yun. Gusto ko masaya ka lang para masaya na din ako. Yun lang. Mahal na mahal pa rin kita.

Paano Guys? Sorry for all my sins I hope na mapatawad nyo'ko Until we meet again,... ..

-Alyssa Valdez

I'll be the OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon