CHAPTER 2: FIRST CASE

1.2K 65 10
                                    

Nang marinig ko ang pangalan na binanggit niya ay naalala ko ang sinabi sa 'kin ni Nova

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nang marinig ko ang pangalan na binanggit niya ay naalala ko ang sinabi sa 'kin ni Nova. Huwag daw ako makipagkaibigan sa lalaking iyon, pero hindi niya naman sinagot ang dahilan kung paano niya nakilala ang masungit na lalaking 'yon.

Hindi talaga ako makipagkaibigan sa kanya! Bukod sa bastos, ayoko sa lalaking laging mainitin ang ulo.

"I said, don't mind him. Let's go," sabi ng guwapong lalaki at hinila niya ang braso ko papasok sa malaking pintuan. Hindi ko pa nga pala alam ang pangalan niya kaya lumapit ako at hinawakan siya sa balikat.

"Are you a student here, Mr...?" pinipilit kong hulaan ang pangalan niya habang nakakunot-noo.

Mas lumitaw ang kagwapuhan ng lalaking ito nang isuot niya ang salamin sa kanyang mabilog na mga mata.

"My name is Josh Larken Amores," pagpapakilala nito, "And you are?"

"A-Ako nga pala si Amie Celeste Mendoza," I replied.

"Well, Amie, make sure you are always ready," paalala niya at huminga nang malalim. "This school is not what you think it is, you have to protect yourself."

Nabahala naman ako sa sinabi niya habang papalapit kami sa principal's office. Why do I need to protect myself?

From whom?

"Meet the secretary of Amethy High." Inilahad niya ang kanyang kamay nang lumapit ang isang babaeng maganda at may balingkinitan na katawan sa harapan namin.

"Kiara Mae Santiago." Ngumiti siya at kinamayan ako. "Sumunod ka sa 'kin."

Sumunod ako sa utos niya at pagpasok namin sa principal's office ay bumungad sa'kin ang isang lalake.

He adorned a sleek, black polo shirt that hugged his frame, exuding a sense of casual elegance. Sinamahan pa nito ng suot niyang mamahaling itim na rolex. Parang nasa 40's na rin ang kanyang edad, pero hindi ito masyadong halata dahil makisig pa rin siya.

"Take a seat," paanyaya niya.

Umupo ako sa kanang bahagi habang siya naman ay nakatayo lang.

Kinakabahan ako sa sasabihin niya, hindi ko malaman ang dahilan pero parang may mali akong nararamdaman ngayon.

"I'm Mr. Cleo Morris. And I'm the one who invited you here," he stated.

I bow my head. "Salamat po sa imbitasyon niyo. Tatanggapin ko po ang inyong inaalok sa 'kin," buong loob kong sabi.

Gipit na gipit kami ngayon kaya malaking tulong talaga ang perang maibibigay sa'kin dito buwan-buwan.

"You're one in a million student who got invited in this school, Amie. Marahil ang iba ay hindi alam ang liham na aking pinadala, pero ikaw..." he paused, and his eyes squinted. "Nagawa mong i-decipher ang nilalaman ng liham na 'yun."

Highschool Detectives ① Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon