Pagkagising ko ay nagmadali akong lumabas bitbit ang itim na malaking box. Hindi ko ito ginalaw o binuksan kagabi at napagpasyahan itabi ko na muna ito. Syempre dahil sa sobrang pagod buong araw, naramdaman ko pa lang na dumampi ang malambot na kama sa aking katawan ay nakatulog ako ng wala sa oras.
Nakalimutan ko na nga rin na maligo kagabi, pero sinigurado ko na bago ako lumabas ngayon ay malinis at maayos ako.
"Where did you get this message?" Rivon asked. Nasa tambayan kami kung saan laging may mga estudyante ng Amethy High, malapit lang ito sa school na isang kanto lang ang layo.
Kibit-balikat naman akong sumagot sa kanya. "No clue. Tanging isang mystery code lang ang iniwan sa akin," aniya ko.
"May idea ka na ba sa secret code na 'to? I'm not good at codes, siguro kailangan ko pang magbasa nang napakaraming Sherlock Holmes books para lang maintindihan ito," she replied.
Sinubukan niyang buksan ang kahon pero agad ko rin na pinalo nang marahan ang kanyang kamay.
"We should wait for Xavien, baka makatulong siya sa atin para ma-decipher 'tong code," wika ko.
"I bet he can't help you right now." Napalingon kami sa pinanggagalingan nang boses na iyon at hindi ko maiwasang tingnan siya ng masama.
"Larken, can you help us?" pakiusap ni Rivon.
"Help you from what? And why's there's a big box here, kanino ba ito?" tanong niya at nagpalitan lang kaming tatlo ng tingin.
"N-No! 'Di ba Rivon kaya na natin 'to?" I said awkwardly and lowered my voice. "Madali lang naman siguro i-decode 'yan."
"Decode?" kunot-noong tanong ni Larken. "Tama ba ang pagkakarinig ko?"
Shit! Napalakas yata ang boses ko kaya narinig niya ito.
Nang hilahin ko palayo si Rivon ay binigyan ko lang siya ng mapait na ngiti.
"W-Wala ang sabi ko devil, may masamang espirito kasi ngayon sa paligid namin," bulyaw ko. Sinamaan niya naman ako ng tingin at biglang lumapit sa akin.
"Then what's this paper you've been hiding from me?" Larken asked.
Agad niyang kinuha sa kamay ko ang papel na naglalaman ng code and I hissed when he didn't gave it back to me and immediately fixated his gaze at the paper.
"Simple as pie," sabi niya at ibinalik sa akin ang papel. "So, who's your suitor that you're gonna see today for your date?"
See? Gano'n lang kadali sa kanya ang pag-decipher nang code, just like his cousin-Wait! Did he say DATE?!
"Date ka r'yan! Ano bang nakalagay sa papel at hindi ko maintindihan?" tanong ko na may pagtaas sa aking boses. "Kahit anong isip at hanap ko sa ibat-ibang textbook hindi ko pa rin ma-solve."
"Because it needs a four-by-five grid, you little mouse," he replied.
What's with his lousy nickname? At F-Y-I, mukha ba akong daga sa paningin niya!
"What's the code?" I asked. "Hindi naman ako manghuhula para malaman 'yang nasa isip mo," sambit ko. Humalukipkip ako at sinamaan ulit siya nang tingin.
"Based on the paper, the person who coded this is knowledgeable about ciphers and stuff, but not quite as I expected. It only took me a minute and seconds to crack the code," he said. He was impressing himself with how genius he was.
"He uses Caesar's box, but with a four by five grid, and when I automatically arrange it in my mind, it looks like this."
Narinig ko na dati ang cipher na iyon at nagamit na namin sa isang kaso na nireresolba noon. If I'm not mistaken, it's a Caesar's box cipher or also known as the Caesar's square.
BINABASA MO ANG
Highschool Detectives ①
Mistério / Suspense(SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH) HIGHSCHOOL DETECTIVES: FILE 1 MAZE. MANIPULATION. MURDER. MAYHEM. Amie never expected the cryptic invitation from Amethy High-a prestigious school where sharp minds are honed in the art of deduction. The invitation i...