Nakarinig kami ng malakas na sigaw mula sa isang pulis at dali-dali itong lumapit sa amin. Napahawak siya sa balikat ni Detective Mori na hingal na hingal pa.
"P-Patay na ang security guard," wika niya. Hindi na nakakapagtaka kung kasama sa mga mapapatay ang security guard at tiyak kami na hindi pa nga nakakaalis ang salarin dito sa mansyon.
Iniwan na muna namin si Larken at Mori upang tingnan ito. Nagtungo na kami ni Xavien kung nasaan ang security guard.
Nakita na lang namin na may saksak siya ng kutsilyo sa dibdib at hawak niya pa ang baton na may bakas na ng dugo niya na tumutulo pa.
"There's a note," Xavien said. Lumapit ako at tiningnan ang hawak niyang maliit na papel. "A Morse Code?"
Hindi nga kami namamalik-mata isa itong morse code!
Hindi malawak ang kaalaman ko patungkol dito, but what I know is Morse Code is an alphabet or code in which letters are represented by combinations of long and short signals of light or sound. It is used to allow the simple transmission of complex messages across telegraph lines.
Ang katabi ng papel ay isang bulaklak. Pamilyar ito dahil nakatanggap ako mula sa isang impluwensiyadong tao sa party noong araw na 'yun. It was a deadly nightmare to me, lalo na ang mga narinig ko no'ng gabi na 'yun.
"Natatandaan mo'to?" tanong ko kay Xavien. Tumango siya habang nakatuon ang mga mata sa papel.
Ang hawak ko ay isang Vanda Coerulea or blue orchid. Isa nga ito sa pinaka-rare na bulaklak sa buong mundo dahil sa kulay nito. Ang problema namin ngayon ay kanino ito galing at bakit siya nag iwan nito?
"He or she is sending us a signal, and not a threat based on the code." Hindi kami sigurado kung babae o lalaki ang nagpadala nito. "It says here, 'HELP US, AMORES', ako at si Larken ang tinutukoy sa morse code na ito," aniya.
"Ano naman ang kailangan nila?" tanong ko. Tila kunot-noo lang at kibit-balikat ang ibinalik sa akin ni Xavien.
Hindi niya rin alam kung bakit may nagpadala nito pero alam kong may konklusyon siya. It may be his father or one of Valmoris pawns.
Hindi pa kami tiyak kaya kailangan pa namin maghanap ng clues, bukod sa isang code at bulaklak. Paglabas namin ay napansin ko ang isang pala mula sa likuran ng bahay nila. It piqued my curiosity kung ano ang nakita ko.
"Xavien, Look!" Tinuro ko sa kanya ang nakita ko at lumapit kami. Napakunot-noo kami pareho at nanlaki ang mata. Someone is trying to hide a secret behind the murder.
"I think we got a wrong deduction about this case," sagot ni Xavien.
"Huh? Anong ibig mong sabihin?" It also piqued his curiosity, but he got another deduction in this case.
"The killer is already dead," he said with a cold voice. Mas lalong kumunot ang noo namin kakaisip kung paano nangyari ang mga ito.
"This is not a kind of case that I wanted to solve, may kinalaman ang Valmoris mafia rito."
BINABASA MO ANG
Highschool Detectives ①
Mystery / Thriller(SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH) HIGHSCHOOL DETECTIVES: FILE 1 MAZE. MANIPULATION. MURDER. MAYHEM. Amie never expected the cryptic invitation from Amethy High-a prestigious school where sharp minds are honed in the art of deduction. The invitation i...