CHAPTER 34: PLUS ONE

277 18 0
                                    

Isang linggo ang lumipas matapos ng insidenteng iyon. Naging tikhim ang bibig ng tatlo dahil sa nangyari, habang ako ay gulong-gulo sa sitwasyong pinasok namin.

Ano bang kailangan kong malaman?

Bakit nga ba ako naging estudyante sa eskwelahan na ito sa simula pa lang?

Kailangan ko na ng kasagutan dahil masyado na akong maraming iniisip nitong mga nakaraang araw at ayokong mag-overthink gabi-gabi ng dahil sa mga iyon. Kakapasok ko lang sa aming silid at ngayon nga pala magsisimula ang huling semester namin. Nakita kong abala sa kanyang kinauupuan si Larken, buti naman ay maaga ulit siyang pumasok at hindi na masyadong lumiliban.

"Morning!" Mabilis niyang bati sabay ngiti sa akin. Bakas pa rin sa kanyang mukha ang sugat na natamo nito.

"Loko ka! Akala ko patay ka na talaga, 'yun pala natutulog ka lang nung binuhat kita," aniya ko at mahinang tumawa ang loko sa akin.

"I'm just playing dead and you're way too serious and confused that day, masyado mong iniisip nitong mga nakaraang araw ang nangyari," he replied.

Who wouldn't?

Halos mapatay na nga sila nung lalaki dahil sa hawak nitong kutsilyo at kung hindi pa tinutukan ng baril ni Chase ay malamang nasaksak na si Xavien. Mababaliw talaga ako kapag nangyari iyon!

"Ikaw rin ba ang tumawag kay Detective Mori nung gabing iyon?" I asked and he nodded.

"Yup, as I expected. Hindi maganda ang kutob ko sa simula pa lang kaya minabuti ko nang tawagan si Detective Mori, and it turns out it was Xavien's greatest rivalry," he said and now I'm curious about this person and his identity.

Sino siya at ano ang koneksyon niya sa pagkatao ni Xavien? Is also he part of a mafia organization?

"I don't have much information about that Clove, pero hindi ko siya kayang pagkatiwalaan. Xavien knows nothing about him, but for Chase and me, I can't guarantee our safety if he's on our side," dagdag pa niya.

At some point, It piqued my interest.
Parang nakakaramdam ako na kailangan ko ng kasagutan sa maraming tanong na bumabagabag sa akin ngayon.

"Kumusta na si Athena, okay na ba siya?" tanong ni Quade nang makapasok ito ng silid. Kasama niya rin sa kanyang likuran si Nova.

I nodded. "Magaling na siya, nakausap ko lang siya kanina bago ako pumasok. Bukas na bukas ay papasok na siya ulit," wika ko. Mukhang natuwa naman ang tatlo sa aking balita kaya napangiti sila.

Maya-maya lang ay nakita kong papalapit na sa pintuan si Xavien. As usual, binati ako nito ng 'Good Morning' bago umupo sa kanyang armchair. Sinilayan ko naman ito ng maganda kong ngiti, pero parang hindi naman niya napansin.

"Magaling na ba 'yung sugat mo?" tanong ko sa kanya. Marahan kong hinawakan ang band aid sa kanyang noo.

"I'm okay, don't worry about me. Ikaw nga dapat ang inaalala ko dahil kung hindi ako tinulungan ni Chase, baka inatake ka ni Clove nang gabing iyon," sambit niya.

Hindi ko tuloy mapigilang mapatawa habang nagsasalita siya dahil pareho silang dalawa na may band aid sa noo at sa braso dahil sa mga sugat.

"What so funny?" he asked.

"N-Nothing," I tipidly replied and simply directed my gaze at my other schoolmates. Napansin ko mula sa kanan ang pagiging tahimik ng isa naming kaklase na si Rivon.

She's just like a different version of me, pero mas tahimik nga lang kumapara sa akin at nang magtama ang tingin namin ay ngumiti ito, sinabayan ko lang din siya ng pagngiti hanggang sa ilang saglit ay pumasok na rin sa silid ang guro namin bitbit ang kanyang lesson plan.

Highschool Detectives ① Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon