CHAPTER 15: STALKER

453 26 2
                                    

"It's not a fucking accident, hindi ko ito palalagpasin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"It's not a fucking accident, hindi ko ito palalagpasin. He hurt the girl I-" Napatigil siya sa pagsasalita nang magtama ang tingin namin.

I'm fully awake now. Kinapa ko ang ulo ko at ramdam ko ang nakapalupot na bandage.

"Don't move." Ang kaninang tigreng boses nito ay kaagad na napalitan ng maamong at mahinahong tono.

Nasa hospital ako ngayon at hindi ko alam ang nangyari. Ang huling naalala ko lang ay ang malakas na pagsigaw ni Chloe, then my eyes went completely shut.

"W-Where's Chloe?" I asked.

Lumapit siya at hinaplos nang marahan ang buhok ko. My heart just pumps faster when his face gets close to mine. Ramdam ko ang malalim niyang paghinga niya sa sobrang lapit namin sa isat-isa.

"S-She's fine. She will file a case against his ex for leaking her explicit photos to the public. As for you, you should get rest first. Kami na ang bahala sa kaso ni Quade." Bakas pa rin ang pagaalala sa boses niya.

His voice became soft and gently, parang ibang tao ang kausap ko ngayon. Medyo masakit pa rin ang ulo ko dahil sa malakas na paghampas sa akin no'ng lokong lalaki.

Lintik na lalaking 'yan!

Pagdating nina Larken, Quade, Athena, at Zeiro sa kuwarto ko ay napuno nang halakhak at ingay. Naririnig ko ang mga kuwento nila sa nangyari kahit hindi naman nasaksihan. Nang ma-discharge ako ay inabisuhan ako ni Mr. Morris na magpahinga muna kahit dalawang araw, hindi naman ako nakatanggi dahil kailangan ko rin 'yun bago ko makita muli sila inay sa maynila.

Makabibisita na ako ulit sa kanila, dala ang perang ipinangako ni Mr. Morris sa akin.

Habang nasa kuwarto ako ay may biglang kumatok, binuksan ko naman agad iyon at bumungad ang gwapo-este mukha ni Xavien.

"Asungot ka! 'di ba may klase kayo ngayon?" nagtataka kong tanong. May dala siyang patong-patong na notebook.

"Oh, para sa'yo!" Muntikan pa mabali ang braso ko sa dami ng notebook. "I wrote all the notes for you, para hindi ka na mahirapan," he said.

Tila naging maamong tupa yata siya ngayon? Sana araw-araw na 'yan.

"May ginawa ka na naman bang kasalanan?" I asked. Inilapag ko ang notebook sa desk at lumapit sa kanya. "Wala ka namang sakit?" I check his temperature pero normal naman ito.

He let out a soft chuckle. "Wala akong sakit. I'm just helping you, don't assume too much," walang ekspresyon niyang sagot.

Ano raw?

"Don't assume ka r'yan, feeling ka. Hindi naman kita gusto!"

Gustong-gusto lang. Napakagat tuloy ako sa ibabang labi ko at umiwas ng tingin sa kanya.

"I-I need to go back, may klase pa ako 'di ba," nauutal niyang wika.

"Oo, kaya pumasok ka na," sagot ko. Nagmamadaling umalis ang huli at mabilis ko ring sinara ang pinto.

Highschool Detectives ① Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon