Xavien
Nakarating sa amin ang nangyari sa girls dormitory dahil naging usapan agad ito nang mga nasa kabilang kuwarto kaya't mabilis naming tinungo ni Larken at Quade ang pinangyarihan.
"May babae raw na namatay sa girls dormitory," sambit ng huli nang madatnan naming mabilis na naglalakad. Agad ko itong hinigit at tinanong.
"Do you know who it is?" I asked.
He shook his head. "Hindi 'eh pero may hinala ako na isa sa mga estudyante rito sa Crimson High, unang beses na may nangyari na ganitong insidente," aniya pa.
Nang maka-akyat kami sa ikatlong palapag makikitang sobrang dami ng tao at kumpol-kumpol sila sa isang kuwarto. Nakita ko ang tatlong pigura ng babae at nang magtama ang tingin namin ni Amie ay agad ako nitong hinila.
"A girl named Sally just suicide earlier at kararating lang ng kanyang kaibigan nang matagpuan niya itong wala nang buhay," paliwanag ni Amie. "Do you think suicide ang nangyari?"
Hindi ko sinagot ang tanong niya dahil wala pa namang kumpirmasyon kung isa nga ba itong suicide or murder.
"I'll call Detective Mori right away," I said. Kinuha ko ang cellphone saka i-di-nial ang phone number ni Mori agad din naman itong sumagot. "We need you here Detective."
Makaraan ang kalahating oras ay mabilis na rumesponde ang mga pulis, crime investigator at ambulansya. Sobrang dami pa ring tao ang nakikiusyoso sa nangyari, kaya't medyo nahirapang mailabas ang bangkay ni Sally. Hindi naman maiwaksi ang tingin ni Amie sa babae dahil sa sinapit nito.
Bago pa ito dalhin palabas ay mabilis kong sinuri ang kanyang katawan. Walang bakas ng marka ang kanyang kamay, pero may pasa ang kaliwang binti at paa. May sugat din na natamo sa kanyang ulo pero hindi ito gaanong halata.
"N-No! Hindi siya nagpakamatay!"
Biglang sigaw ng kung sino kaya't napalingon ako. Isang pigura ng lalaki ang lumapit sa akin, mas matangkad ako ng kaunti sa kanya, pero malaki naman ang katawan nito dahil halata sa kanyang braso.
"Paano ka nakakasiguro riyan?" I firmly asked.
"Ang sabi ni Sally sa akin ay may kukunin lang siyang gamit kaya siya bumalik sa dormitoryo," saad niya. Nagbabadyang tumulo ang luha sa kanyang mga mata. "Sana pala ay hindi na ako pumayag na umakyat siya sa kuwarto kung ganito pala ang sasapitin niya."
"Totoo ang sinasabi ni Rolly, kung nagpakamatay nga si Sally bakit wala siyang suicide note na iniwan?" aniya ng babae at nagpakilalang si Cecilia Macapagal, isa sa mga kaibigan ng namatay.
"Malaki ang posibilidad na murder ang nangyari," sambit ni Detective Mori.
Mabilis naming sinuri ang loob ng kuwarto, malinis ang buong silid pero ang nakapagpukaw sa atensyon ko ay ang isang basong may lamang tubig na naiwan sa mesa. Dali-dali kong tinawag si Cecilia para tanungin ito kahit na natatakot ay nagawa niya pa rin ma pumasok sa loob.
"Masasabi mo ba sa 'kin kung anong huling ginawa ni Sally?" tanong ko. It wouldn't make sense at first since wala siya no'ng bago pa mangyari ang pagkamatay ni Sally, it would be my advantage to know if they're telling the truth.
Napakunot-noo ang babae sa tinanong ko pero agad din naman siyang tumugon. "H-Hindi ko po alam, basta pagpasok ko sa silid niya ay nakasabit na ang katawan niya kaya nagulat ako at nagsisisigaw."
Mabilis itong kinuhaan ng retrato ng mga crime investigator, bago ko sinuri. Isa pang napansin ko ay walang markang naiwan sa leeg ni Sally, hindi kaya pakulo lang ang lahat ng ito at pinalabas na isang suicide?
BINABASA MO ANG
Highschool Detectives ①
Mystery / Thriller(SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH) HIGHSCHOOL DETECTIVES: FILE 1 MAZE. MANIPULATION. MURDER. MAYHEM. Amie never expected the cryptic invitation from Amethy High-a prestigious school where sharp minds are honed in the art of deduction. The invitation i...