Police arrived quickly after Larken called for help. Mula sa hindi kalayuan ay natanaw ko ang papalapit na pigura ng isang lalaki. Detective Mori is back on his duty at sinilayan ako nito ng ngiti ng makita ako. Ilang saglit pa ay dumating na rin sa pinangyarihan si Xavien at Rivon.
Wait?! Sabay silang pumunta rito? At nasaan naman ang dalawang lokong sina Quade at Athena?
"What happened?" Xavien asked, his concerned voice dominated.
"S-Someone killed Elizabeth's boyfriend an hour ago at the boy's locker area. Wala pa kaming leading suspect kung sino ang gumawa nito, hindi rin makausap nang maayos si Elizabeth," I said.
Nang igawi ko ang tingin sa babae ay panay pa rin ang paghikbi nito habang kinakagat ang kanyang mga kuko. Inalalayan na rin siya ng mga pulis pababa dahil kailangan pa nitong magbigay ng statement tungkol sa nangyari.
"Natagpuang patay at duguan si Rowan Dave Ferolino, 18 years old HUMSS student dito sa locker area. We are already investigating and checking if there's any CCTV camera para makita ang footage," sambit ni Detective Mori.
Sa pagkakaalam ko ay sira ang ibang cctv footage rito at sa area kung saan namatay ang lalaki, at nakatitiyak akong walang CCTV camera. Palagi kasi kaming nagagawi rito kaya alam ko. Mayamaya ay lumapit sa kanya ang isang detective na kasamahan niya. I don't know his name at mukhang nasa mid-20's pa lang ang edad nito dahil batang-bata pa kung titingnan.
"Detective Mori, we didn't get any footage dahil walang CCTV sa area na ito kaya mahihirapan tayong tukuyin ang mga suspect," aniya ng kasama niyang detective.
See? I told you. No one would dare to kill someone if there's CCTV footage here dahil alam niyang mahahagip siya, and they have the confidence to commit the crime.
Makaraan ang kalahating minuto ay mukhang kalmado na si Elizabeth at base sa kanyang testimonya sa mga pulis ay pinapunta raw siya ni Rowan dahil nag-text daw ito sa kanya bandang alas-onse ng umaga at sinabing magkikita sila rito mismo sa locker area ng mga lalaki.
May mahalaga raw na sasabihin si Rowan sa kanya, ngunit pagdating niya ay natagpuan niyang wala nang buhay at duguan ang katawan ni Rowan, do'n na siya humingi ng tulong sa amin nang tumakbo kami papunta sa kinaroroonan niya.
"Miss, bukod do'n may naiisip ka bang tao na may motibo o pwedeng gumawa nito sa kanya?" tanong ni Detective Mori.
Tumango naman ang babae sa kanya. "O-Opo. Mayroon dahil palagi niyang kasama ang tatlong barkada niya at noong nakaraang linggo lang ay nagkaroon sila ng alitan dahil sa basketball na humantong sa away nilang tatlo," pahayag ni Elizabeth.
"Can you name those three guys? If you could tell us further details about it, it could help us solve this case," Xavien asked.
Mababakas talaga sa kanyang mukha na interesado siya sa ganitong kaso. Even if it's brutal, mas na-e-excite siyang malaman at matuklasan kung sino ang killer sa likod ng isang krimen o kasong hawak namin.
"S-Si Jeremy Valdemora, Oscar Elizardo at si Nico Salazar," banggit niya sa mga pangalan nila.
Kung hindi ako nagkakamali ay sila ang mga varsity player ng Amethy High at balita ko'y may laban sila sa susunod na buwan sa ibang eskwelahan.
Agad na pinatawag ni Detective Mori ang tatlong suspect sa pagkamatay ni Rowan at nang dumating sila ay halos walang alam sa nangyari at gulat nilang nakita ang katawan ni Rowan, habang inilalagay ito sa isang itim na body bags.
Si Jeremy Valdemora, 20 years old. Matangkad, malaki ang kanyang katawan, mestizo at magulo ang kanyang buhok. Tumatagaktak pa nga ang pawis sa mga noo nila na mukhang kakagaling lang sa laro.
BINABASA MO ANG
Highschool Detectives ①
Mystery / Thriller(SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH) HIGHSCHOOL DETECTIVES: FILE 1 MAZE. MANIPULATION. MURDER. MAYHEM. Amie never expected the cryptic invitation from Amethy High-a prestigious school where sharp minds are honed in the art of deduction. The invitation i...