We found the Iliad book—we also found a student's dead body. Sariwa pa ang dugo nito at mukhang pinatay bago pa kami nakarating dito sa silid. Tumawag agad ng pulis si Zeiro at makaraan ang dalampung minuto ay nakarating din sila.
"Police line do not cross!" sigaw ng isang pulis.
Maraming mga estudyante ang nabigla sa pangyayari, even the three of us couldn't think well.
What the hell is going on in this school?!
Lagi na lang may patayang nagaganap. Mr. Morris can't even do anything about it, kahit na ang anino niya ay hindi nagpapakita kapag may gulong nangyayari sa school na ito. I know his hiding something from us, pati ang pagpasok ko sa Amethy High ay isa pa ring misteryo.
"What are the three of you doing here in the middle of the night? Hindi niyo ba alam na delikadong lumabas sa dorm ng ganitong oras?" tanong ni Ms. Villanueva habang nakahalukipkip at nakataas ang kanang kilay.
Isa lang naman siya sa mga pinakaistriktong guro dito sa buong Amethy, kaya naman lahat ng seksyon na nahahawakan niya o estudyante ay ayaw sa kanya.
Ako na sana ang magsasalita ng biglang pangunahan ni Xavien.
"Ma'am, we're here because Mr. Morris needs our help. We found out that the Iliad book is missing in his office, at inatasan niya po kami na hanapin ito, pero nahanap po namin ang bangkay sa hindi inaasahan," wika niya.
"Mr. Morris told me about it pero hindi sa ganitong oras kayo dapat pakalat-kalat," sermon pa niya.
Nakayuko lang kaming tatlo at mariin ko pang kinukurot si Xavien dahil siya ang nagdala sa'kin sa Library.
Natanaw ko ang isang anino na parang pamilyar sa'kin at nang mag-angat ako ng tingin ay papalapit sa amin si Detective Mori.
"Pwede ba namin makausap ang mga bata?" tanong niya kay Ms. Villanueva.
Tumango naman ang guro at iniwan na muna kami.
Bumalik na rin ang mga estudyante sa kani-kanilang dorm pagkatapos maki-chismis sa nangyari. Ang dami pa nilang bulungan tungkol sa'min ni Xavien, pero pinagwalang bahala ko na lang ito. Pagpasok namin ulit sa silid kung saan nakita ang bangkay ng isang estudyante, pinakita sa'min ni Detective Mori ang I'd nito na nakalagay sa isang plastic bag.
"Ang biktima ay si Arya Romero, 17 years old at isang HUMSS student, ang nakakapagtaka ay kung paanong ang isang estudyante na mula sa HUMSS Department ay natagpuan walang buhay dito sa 304 STEM Department ng ganitong oras," aniya at humarap ito kay Xavien.
Nilapitan naman agad ni Xavien ang bangkay at sinuri ito, gano'n din si Zeiro. They're looking for some clues for deductions if this is a murder, kaya malalim ang naging pag-iisip ng dalawa at inabot pa nga ito ng ilang minuto.
"Based on the wounds that she had, hindi namin matukoy kung pinatay nga ba siya o isa itong aksidente," Detective Mori added.
"I'm pretty sure this is not a murder case," Xavien confirmed.
BINABASA MO ANG
Highschool Detectives ①
Mystery / Thriller(SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH) HIGHSCHOOL DETECTIVES: FILE 1 MAZE. MANIPULATION. MURDER. MAYHEM. Amie never expected the cryptic invitation from Amethy High-a prestigious school where sharp minds are honed in the art of deduction. The invitation i...