It's been two months since the bomb incident happened at Amethy High. Akala ko tapos na. Akala ko, mawawala na siya. He tried to defuse it just before the bomb explode. No'ng mga oras na 'yun ay parang sasabog din ang puso ko sa kaba.
Chloe is fine now, and everything just went back to normal na parang walang nangyari. That shit stalker has been sentenced to be in prison until his death.
Nasa Laboratory kami at katatapos lang ng Chemistry. Wala naman masyadong gagawin ngayon dahil mas maaga namin tinapos ang mga on-going project sa ibang subjects, lalo na sa calculus. Sina Athena at Quade ay lumabas para bumili ng makakain.
As usual, wala na naman si Larken. Ginawi ko ang tingin sa paligid pero wala siya at hindi na naman pumasok. It's already past 10 o'clock.
Is he up to something again?
Tanging mga daldalan lang ng mga katabi ko ang bumubuhay sa buong silid. Si Zeiro naman ay natutulog sa kabilang table at bahagya akong natawa dahil ang mga babaeng katabi niya ay ginugulo ang buhok niya at sinusulatan ang mukha gamit ang permanent marker.
"Where the hell is my book?" kunot-noong tanong ni Xavien habang kinakalkal ang bag niya at nakalabas ang iba pa niyang gamit.
"What book?" I asked. He didn't respond and just continued to find his things.
I think he's referring to the Sherlock Holmes books? Dahil madalas niyang hawak ang librong iyon nitong mga nakaraang araw.
"The Hound of the Baskervilles, that's my favorite book. Ang mahal pa naman ng bili ko sa librong 'yun," Dismayadong sabi niya. "I hope I didn't misplace it."
Lumabas na kami at tutungo sana sa library para kumuha ng kakailanganin na libro sa susunod na asignatura nang makarinig kami ng hiyawan ng kababaihan sa hindi kalayuan.
Anong mayroon at naghihiyawan sila? May artista ba na dumating?
Agad naman kaming kumaripas nang takbo para umisyoso kung anong nangyayari. Hindi naman gano'n karami ang tao kaya nakita namin agad kung sino ito.
"What the fu-" Hindi na naituloy ni Xavien ang sasabihin niya nang takpan ko ang bibig niya. Nanlaki na lang ang mata ko sa kung sino ang nasa harap namin ngayon.
"N-Nova?" hindi ko makapaniwalang sabi. Ano naman ang ginagawa niya rito at paanong nakapasok siya ng gano'n kadali?
"It's been a long time, Xavien," he said and smirked at him.
Wait! Magkakilala na sila noon pa? At saka bakit suot niya ang uniporme ng Amethy? I was really confused as of the moment.
"T-Teka, anong ginagawa mo rito? Hindi ka naman estudyante rito," usal ko. Biglang hinila ni Xavien ang kamay ko na parang nilalayo niya ako kay Nova.
"After what you did, you really have the guts to come back here?" Tila nagdilim ang paningin ni Xavien at nabigla na lang ako sa ginawa niya.
Did he just punch Nova in front of me without hesitation?! Mabuti na lang ay hindi natumba si Nova dahil agad ko siyang tinulungan. May bahid ng dugo ang kanyang labi.
BINABASA MO ANG
Highschool Detectives ①
Mystery / Thriller(SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH) HIGHSCHOOL DETECTIVES: FILE 1 MAZE. MANIPULATION. MURDER. MAYHEM. Amie never expected the cryptic invitation from Amethy High-a prestigious school where sharp minds are honed in the art of deduction. The invitation i...