CHAPTER 36: LOVER'S QUARREL

264 11 2
                                    

"Yes, the blue orchid beside Coleen's cold body."

His words that night echoed in my mind as I stood up in my bed. Nang tingnan ko ang orasan na nasa gilid ko lamang ay pasado ala-sais na.

Nang makatayo ako ay bahagya akong napatingin sa salamin at napatigil.

Ano ba talaga ang gustong ipahiwatig sa akin ng bulaklak na iyon? Why does it suddenly appear when we have cases to solve in unexpected circumstances?

Isa a, nakapagtataka lang na sa bawat bangkay na aming nakikita ay laging hawak ng biktima ang bulaklak sa kanang kamay nila, pero wala namang kahit ano'ng sulat o hidden messages ang iniiwan. I don't have any clue who's behind it, at kung sino man ang taong 'yun ay malalaman ko rin ang pagkakakilanlan niya.

Ayoko muna isipin pa ang bagay na iyon, I have a lot on my plates right now. Agad kong kinuha ang tuwalya at dumeretso na sa banyo. Malapit na rin pala ang bakasyon kaya't makakahinga na ako nang maluwag, bago ako magpasya na bumalik sa lugar namin.

Sa kabilang banda, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ang grandfather ni Rivon ang pumatay sa asawa ni Ezikiel Cortez at sa araw pa mismo ng kaarawan ni Rivon. Matapos ng insidenteng iyon ay kumalat ang balita na nakarating naman agad sa dorm namin dahil ang ilang bisita sa party na iyon ay mga magulang nila.

Hindi ko naman masisisi na may pakpak ang balita kaya't mabilis na nakarating sa kanila ang nangyari. Nakasuot na ako ng aking uniporme at palabas na rin nang dorm. Habang nakatutok ang aking mata sa cellphone isang notification ang natanggap ko at galing iyon kay Rivon, I immediately opened the message.

Rivon:
I'm sorry about what happened last night. I can't attend our class right now because of our situation; I'm really sorry. By the way, thank you and your friends for solving the case.

Hindi na ako nakapag-reply sa kanya at agad kong inilagay sa bulsa ang cellphone ko dahil nag-ring na ang bell ng school. Pagpasok ko nang silid ay nadatnan ko agad ang nakabusangot na mukha ni Xavien. Abala naman ang isang loko sa kanyang ginagawa dahil nagbubuo ito ng isang Rubik's cube, natawa na lang ako dahil hindi niya pa rin ito matapos-tapos.

"Morning' Amie!" bati ni Athena na kasabay ko lang din pumasok ng silid atsaka ibinaba ang gamit at naupo.

"What's with the face?" I asked.

Hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin at rinig ko lang ang malakas na pagbuntong-hininga niya.

"Nothing," walang ganang sagot niya at isinarado ang hawak niyang notebook. Napatingin naman sina Quade at Larken sa akin at parehas na napakibit-balikat.

Lumapit sa akin si Larken at mukhang may ibubulong siya kaya't inilapit ko ang aking mukha.

"Mukhang may regla siya ngayon, kanina pa siya hindi kumikibo at nagsasalita, pana'y buntong-hininga lang," bulong ni Larken.

"You know I can hear you because your voice is so loud," Xavien stated. He mentally rolled his eyes.

Saglit kaming napatigil ni Larken at iginawi ang tingin sa kanya. Masamang tingin naman ang ipinukol niya sa lalaki.

"You're upset because Chase defeated you on your own deduction," Larken said. Nagsukatan naman ng tingin ang dalawa.

"What?! No, I'm not," Xavien denied.

"Then explain to her why you are angry-oh you're jealous, right?" Ngumisi si Larken. "Because Chase told you that he likes-" Agad na naputol ang sasabihin niya nang akmang tumayo si Xavien at lumabas ng silid.

He looks pissed because of what Larken said to him.

Ang ilan naming kaklase ay napatingin pa sa direksyon namin at may iilang nagbubulungan. Sinubukan ko siyang sundan, ngunit hinigit naman ni Larken ang kamay ko, atsaka sumenyas na huwag siyang sundan.

Highschool Detectives ① Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon