CHAPTER 33: A KILLER DETECTIVE

270 19 0
                                    

Matapos kong matanggap ang mensahe ay agad kong tinawagan ang numero ni Quade, baka sakali na magkasama sila ngayon. Hindi tuloy maalis sa akin ang kaba at takot na baka may nangyari ng masama kay Athena.

"Quade, nasaan ka ngayon?" tanong ko. May bahid ng pagka-garalgal ang boses ko ng sabihin ko ito.

"Nasa dorm, bakit? Kasama ko ngayon si Nova dito. Teka may nangyari ba?" sagot niya. Namawis ang palad ko habang kausap siya. Parang masama ang kutob ko sa mga nangyayari ngayon.

"H-Hindi mo kasama si Athena?" I asked again.

"Huh? Akala ko kasama mo siya? Hindi ba sabay kayong bumalik sa dorm?" ani Quade, mas lalo naman akong nabahala ngayon dahil palubog na ang araw at madilim pa naman sa paligid ng campus.

"Teka, sinubukan niyo nabang i-check 'yung kuwarto niya? Baka naman kasi busy lang siya ngayon," singit ni Nova.

"Hindi pa, pero papunta na kami dun," wika ko.

Mabilis kaming tumakbo pabalik nang campus at ng makapunta kaming sa dorm ay gumawi agad kami sa kuwarto ni Athena. Nang buksan ko ang pintuan ay wala akong nadatnan kung hindi ang malinis niyang kuwarto, naka-ayos pa lahat ng gamit at mukhang wala namang kung sino na pumasok dito, pero wala siya rito ngayon.

Kapag ganitong oras kasi ay nasa loob na ito ng kanyang kuwarto, lalo na nung mabalitaan namin ang tungkol sa Psycho killer. Kaya doble ingat ang kanyang ginawa.

"Wala si Athena sa kuwarto nya!" I exclaimed.

Palakas nang palakas ang tibok ng puso ko kasabay pa nang pakiramdam na hindi ko maintindihan ngayon, I have a gut feeling that she's in danger right now.

"What?!" sabay nilang sambit dalawa.

Shit! Hindi pa nga nag-process masyado sa utak ko ang nangyari noong nakaraan tapos isa na namang problema ang nangyayari ngayon.

"We must find her as soon as possible dahil dumidilim na," aniya ko. Bakas ang panginginig sa aking boses at napapakagat na lang ako sa aking kuko.

Tiningnan nila ang buong kuwarto niya pero wala talagang Athena sa loob, hindi rin niya sinasagot ang tawag ko kaya mas nag-alala ako ngayon.

Paano kung may nangyari sa kanya?

Paano kung isa siya sa mga biktima ng psycho killer na gumagala ngayon?

I don't want to jump into conclusion that she might be in danger, pero bakas ang kaba sa akin ngayon. Napahawak na lang ako sa aking dibdib.

"I'll find her outside the campus, dadaan na lang ako sa secret entrance at exit. Kapag nahanap ko siya tatawagan ko kayo agad," aniya ni Larken.

Tumango naman kami parehas sa kanya at hindi na ito nagsayang pa ng oras at mabilis na tumakbo paalis. Bago pa makaalis si Xavien sa harapan ko ay hinigit ko ang kanyang kamay.

"X-Xavien..." I uttered. He looked at me with a puzzled expression. "I-I think someone is trying to play with us." Nanginginig ang kamay kong ipinakita sa kanya ang natanggap kong mensahe mula sa isang anonymous na tao.

"Bakit hindi mo sinabi agad, Amie?" Xavien asked. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.

Malakas akong bumintong-hininga at bigla na lang akong napaigtad dahil sa malakas na tunog ng aking cellphone. Nanlaki ang mata namin pareho dahil isa-isang nag-pop-up ang mga messages. Hindi ko makuha ang gustong sabihin nito na halos napakunot-noo ako, pero nakakasiguro akong isang code ito base sa bawat letrang natatangap ko.

Kakaibang letra ang mga ito at mukhang sumisimbolo sa numero na nakikita ko sa isang lumang orasan.

"Roman numerals...?" sambit naming dalawa ni Xavien. Bahagya kaming napatingin sa isa't-isa habang nakakunot-noo.

Highschool Detectives ① Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon