Agad akong umupo at sinuri ang nakalagay sa sulat. Medyo pamilyar ang ganitong codes sa akin, hindi ko lang maalala kung saan ko ito nakita. Kung hindi ako nagkakamali, isa itong Binary code.
Binuksan ko ang laptop na hiniram ko kay Athena mula sa kabilang kuwarto. Agad kong inilapat ang mga kamay ko sa keyboard at itinipa ang ganitong klaseng codes.
Binary code was invented by Gottfried Leibniz in 1689 and appears in his article Explication de l'Arithmétique Binaire. It is a coding system where it uses a binary digit from 0 and 1 to represent a letter, digit, or other character in a computer or other electronic device.
"May kakaiba..." bulong ko sa sarili ko. Kunot-noo kong sinuri isa-isa ang mga numerong ito. Ilang saglit na lang ay mag-uumpisa na ang selebrasyon sa Vellion's Village.
Sino kaya ang nagpadala nito sa'kin at anong pakay niya?
Naghanap pa ako sa ibat-ibang pahinarya ng mga tungkol sa ganitong klase ng cipher, at kasabay nito ang pagsuot ko nang pulang dress na binili sa'kin ni Xavien. Nag-ayos na rin ako at naglagay nang kaunting kolorete sa aking mukha.
Lumabas ako at hinanap si Xavien, baka sakaling makatulong siya. Tiyak ako na alam niya ang tungkol sa bagay na ito. Mahahanap ko rin kung sino man ang nagbigay ng mensaheng ito.
Base sa pagkakaintindi ko sa mga numero ay nagrerepresinta ito ng mga letra. Muli ko itong sinuri isa-isa hanggang sa makuha ko ang lumabas na salita dito.
01000100- R 01000101- E 01000100- D
01000110- A 01001111- R 01010010- E
01010010- R 01001111- O 01010011- S
01000101- E 01010011- S
"Rare eros des? Hindi kaya mali ako ng pag-decipher nito?" Sinubukan ko muling isa-isahin ito at napagtantong mali nga ako dahil hindi magkakasunod ang mga numero na sinundan ko.
Ilang saglit pa ay napatayo ako sa aking kinauupuan ng malaman ang nasa sulat.
01000100- R
01000101- E
01000100- D
01000110- A
01001111- R
01010010- E
01010010- R
01001111- O
01010011- S
01000101- E
01010011- S
"Red are roses." dahan-dahan kong banggit. 'Yan ang mga salitang lumabas mula sa magkakahalong mga numero. Anong naman kaya ang ibig sabihin nito?
BINABASA MO ANG
Highschool Detectives ①
Mystère / Thriller(SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH) HIGHSCHOOL DETECTIVES: FILE 1 MAZE. MANIPULATION. MURDER. MAYHEM. Amie never expected the cryptic invitation from Amethy High-a prestigious school where sharp minds are honed in the art of deduction. The invitation i...