CHAPTER 26: TROUBLE WITH A JERK

363 22 0
                                    

Sinuri namin ang buong kuwarto at nagkalat sa labas ng banyo ang dugo ni Samantha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sinuri namin ang buong kuwarto at nagkalat sa labas ng banyo ang dugo ni Samantha. Napalunok ako nang madiin dahil sa sinapit niya. Halos wala na itong buhok at mukhang nalapnos ang balat dahil sariwa pa ang mga namumuong sugat.

Napapikit na lang ako dahil ang balat niya ay halos tuklap na. Masangsang kasi na amoy ang bumalot sa buong kuwarto niya. The smell is like muriatic acid, but I can't tell.

"Walang lalabas sa buong girl's dormitory," sambit ni Xavien. Tumawag na si Chase ng pulis at ilang saglit lang ay dumating na ito ng pasado ala-una ng madaling araw.

Marami pa ring nakikiusyoso, pero hindi nila kayang tingnan ang bangkay. Kahit ako ay halos masuka dahil sa hitsura nito na hindi na gaanong makilala. Lahat ng gamit ni Samantha ay tiningnan pati na ang banyo kung saan huli siyang pumasok.

Nakita namin doon ang ilang mga ginagamit niyang panligo, pati na ang mga mamahaling skincare niya na galing pa sa ibang bansa. Pero mas napukaw ang atensyon ko sa isang kahina-hinalang maliit na lalagyan, may magkatabing shampoo at conditioner doon. Ibang-iba ang hitsura nito kaysa sa pangkaraniwan na ginagamit ni Samantha.

Samantha Reyes, 19 years old at galing sa STEM-2. Kinuha ko ang I'd niya nakalapag sa desk. Nakakatiyak ako na alam na ng mga kaibigan niya ang nangyari at baka tinatawagan na rin ang kamag-anak nito para ipaalam na wala na siya. Hindi ko rin naman maiwasan na tumulo ang luha dahil sa nangyari.

"Take this," Xavien said and handed me his handkerchief. "It's getting late, you should rest now. Kami na ang bahala rito," sambit niya.

"H-Hindi, kaya ko pa. Tutulong ako," pagpupumilit ko. Pinunasan ko ang luha at nagtungo ulit sa banyo, kinuha ko ang kahina-hinalang shampoo na kanina ko pa gustong kunin.

"What's this?" Xavien asked.

"I'm not sure, but I think that's what the killer used to kill Samantha," he stated.

Nagsuot nang gloves si Xavien at dahan-dahang binuksan ang plastic nang bote ng shampoo. He slowly transferred it into a transparent lidded dish called petridish, that biologists use when they are testing some chemicals or used for the culture of microorganisms.

Pagbukas niya ay kumalat ang masangsang na amoy sa buong kuwarto kaya napatakip kami ng bibig. To ensure our safety, nagsuot kami ng face mask. Ang ilang mga crime operatives naman ay patuloy pa rin sa paghahanap ng mga ebidensya sa buong kuwarto.

"I didn't expect that this case would be hard for us," sambit ni Detective Mori.

"This isn't some kind of any murder case," Xavien said. Napakunot-noo naman kaming apat pati na si Detective Mori.

"What do you mean?" I asked.

"This is a serious case that we need to handle dahil hindi natin alam kung sino ang killer. Baka gumagawa na ito ng susunod niyang hakbang sa kung sino ang bibiktimahin niya."

Highschool Detectives ① Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon