Kakagising ko lang at agad akong tumingin sa orasan na nakasabit. It's already 6:30 o'clock and I only have 30 minutes to prepare. Bumangon na ako at naligo, saka mabilis na nagsuot ng uniporme.
"Amie, bilisan mo!" sigaw ni Athena, kumakalabog ito mula sa kabilang pinto.
Takte, teka lang naman!
"Eto na, saglit lang!" sagot ko.
Hindi na ako nag-ayos pa o naglagay ng foundation dahil ilang minuto na lang bago mag alas-syete. Baka kasi hindi na kami papasukin. Kinuha ko na ang gamit at binuksan ang pinto.
Paglabas ko ay nakangiting sinalubong ako ni Athena. In her eyes, it was just always a normal day parang wala lang sa kanya ang nangyari nitong mga nakaraang araw. Hindi na ako muling nagtanong sa kanya tungkol sa lalaki na tinatawag niyang Venom at si Ortheus.
Even though they have been in my mind numerous times, gusto kong ako mismo ang makaalam ng katauhan nila. Malakas ang kutob ko na isa sila sa mga tauhan ni Cleo Morris. Marami pang mga katanungan ang hindi pa nasasagot, pero lahat ng iyon ay parang pinagwalang bahala ko lang.
"Morning, sungit." bati ni Larken.
He's not in his usual thing based on the tone of his voice. May kakaiba ngayon sa kanya. Ano na naman kaya ang kalolohan ng lokong ito?
"Everyone, please sit down. I have an important announcement!" wika ng advisory teacher namin.
Naging tahimik naman ang buong silid at tinuon ang atensyon sa lalaking nasa harapan.
"I know this is too late for all of you, but we have a new student." Parang bubuyog na naman sila dahil sa bulungan na naririnig ko. "He's not just a student here, he has a mission to make. Morris assigned him to do his job to properly monitor this school," aniya ng guro.
Hindi naman maiwasan ng ilang mga kababaihan sa likuran ko na magtilian. Ang haharot talaga kapag Nakakakita ng gwapo sa harapan.
Well, this guy has looks, but for me he's more of like a jerk and a playboy.
He has a sharp jawline and very flawless skin tone. Magulo ang buhok at matangos ang ilong niya. Even his kissable red lips immediately captured the women around me.
Not me! Hindi niya ako makukuha sa pa-gwapo looks niya.
Sapat na sa'kin ang mukhang sanggano look ni Larken at chickboy looks ng dalawang lalaki na nasa gilid ko lang. I'm referring to Quade and Nova, as for Xavien, sapat lang din.
Sapat para sa'kin.
"I'm Qurie Hunter Maxwell," walang gana nitong pagpapakilala at patuloy lang ang papogi niya sa mga babae. He even winks at me. What the hell?
"Tsk. Why did Morris even allow him into this school? He comes off as a bit of a jerk to me. I wouldn't trust him under any circumstances," Larken remarked. I completely agreed with his statement.
BINABASA MO ANG
Highschool Detectives ①
Mystery / Thriller(SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH) HIGHSCHOOL DETECTIVES: FILE 1 MAZE. MANIPULATION. MURDER. MAYHEM. Amie never expected the cryptic invitation from Amethy High-a prestigious school where sharp minds are honed in the art of deduction. The invitation i...