CHAPTER 21: AMETHY VS AMORES

395 22 0
                                    

Naging usap-usapan sa buong campus ang nangyari at nag-abiso na ang chancellor ng Amethy High School na sisiguraduhin nilang hindi na mauulit ang nangyari

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naging usap-usapan sa buong campus ang nangyari at nag-abiso na ang chancellor ng Amethy High School na sisiguraduhin nilang hindi na mauulit ang nangyari. Walang nasaktan o nasugatan noong gabi na 'yun, at sinusubukan na rin imbestigahan ni Inspector Alonzo, isa sa mga bagong detective na kasamahan ni Mori.

"If this happens again, call us immediately," paalala ni Inspector Alonzo.

Tumango naman si Xavien. May mga pinag-usapan pa sila na hindi namin alam dahil nasa klase kami at lahat ng kaklase namin ay panay pa rin ang tsismis.

"Class, eyes here!" pagsita sa amin ni Mr. De vera—bagong guro namin sa Physics. Lahat kami ay natahimik at itinuon ang atensyon sa kanya.

Nang igawi ko ang tingin sa paligid wala na naman si Larken sa klase sa kinauupuan niya, habang si Nova naman ay busy na nagsusulat ng notes. Mabilis ring natapos ang klase namin at nauna nang pumunta sa Canteen ang tatlo, naiwan naman kami ni Xavien.

I pulled his hand and he immediately turned around, but I think it was too loose that my face touched his soft chest.

Parang may bato sa lalamunan ko nang dumampi ako sa kanya, kaya umayos agad ako ng tayo. Nang magkatinginan kami ay masamang tingin ang ipinukol niya sa akin. He doesn't seem so bother of what happened, he didn't even tell me about those two men they've mentioned.

"Spill the tea, Xavien." sabi ko. I can see that he's not in his mood today, but I need answers to my questions that keeps on bothering me for weeks.

"Spill what?" inis nitong tanong.

Clearly, he's not in the mood today.

"Who is Venom and Zander?" Ayokong pilitin siya na sagutin ito pero alam kong siya lang ang makakasagot sa mga tanong na nasa isip ko.

"It's none of your business," he said with a cold voice. "Please, don't ask me again about that. Just don't put yourself in danger, okay?"

Hindi ko mahinuha kung nag-aalala ba siya o galit dahil nangialam ako patungkol sa dalawang lalaki na tinukoy ko.

Pagtapos niyang magsalita ay iniwanan niya lang ako na nakatayo sa tapat ng silid namin. Everything went back to normal between us, not until the Amores High School trip happened.

Maagang naghanda ang lahat dahil dalawang araw kaming mananatili sa Amores High School, bukod sa ibat-ibang activities ay may mga palaro rin na nakahanda ang buong STEM Department para mag-enjoy ang lahat ng estudyante.

Since Xavien is the President of the school, nag-suggest siya ng panibagong mga activities at isinama niya na rin dito ang battle of deductions na magaganap sa huling activities.

Everyone is excited. Medyo marami kami dahil buong Grade 11 STEM Department ay isasama nila kaya maraming bus ang darating mamaya. Habang gamit ko ang blower ay may napansin akong isang sulat na nakalapag sa sahig.

Highschool Detectives ① Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon