CHAPTER 48: KNOW IT ALL

207 11 0
                                    

Amie

After everything we still enjoyed the three days trip around the campus, may iba't-ibang booth kaming pinuntahan ni Xavien at sumali sa iba pang mga palaro pero dahil sa pagod nito sa magdamag ay ako na lang ang nagtuloy. Mabilis rin na natapos ang araw dahil biglang bumalot ang kadiliman ng ulap at nagbabadyang umulan noong araw na iyon. Sa sumunod na araw naman ay naglaro sina Quade, Xavien, Chase at Larken ng basketball, habang kaming tatlong babae at ang iba pang miyembro namin mula sa Crimson High ay naki-cheer din.

Hindi ko alam bakit tuwang-tuwa sila na nanalo ang Amethy High sa Crimson, still it was a fun moment to see everyone cheering for their teams, dumagundong pa nga ang malakas na ingay at hiyawan na nakakatulig sa tainga sa buong recreational arena.

Parang kislap mata lang ang pagdaan ng araw at bukas na agad ang kaarawan ni Chase, wala pa nga akong napipiling regalo sa kanya dahil hindi kami masyadong nag-uusap dalawa at kapag nagkasalubong naman kami ng landas ay puro asaran at sa bangayan lang nauuwi ang lahat.

Ilang linggo na rin ang nagdaan pero nasa isip ko pa rin ang nangyaring pagkamatay ng isang estudyante sa Crimson High, napagtanto ko sa sarili na parang magnet lang ang kamalasan sa akin. Kung nasaan ako, nandun din ang panganib.

Parang coincidence naman yata na nagkaroon ng insidente sa Crimson High nang dahil lang nandun kami no'ng araw na 'yun at ilang kuwarto lang pagitan kung saan nangyari ang pagpatay kay Sally.

"Ang lalim na naman ng iniisip mo, bes!" sambit ni Athena. Napabalik ako sa reyalidad ng wala sa oras dahil sa malalim na pag-iisip and I shrugged my head a bit.

Umupo ito sa tabi ko hawak ang binili nitong pagkain sa isang food court dito sa mall, kasama niya si Rivon na bumili at natawa sko ng bahagya dahil hindi pa siya umuupo ay naparami na ito ng subo nang french fries sa kanyang bibig. Muntik pa niya itong mailuwa nang tumawa kami ni Athena.

"Ang dami na nating napamili oh, pero wala ka pa ring napipiling regalo-teka nasaan nga pala si Quade at bakit hindi pa siya bumabalk?" sambit nito at luminga-linga sa paligid. Nakahinga naman ito nang maluwag ng makitang papalapit ang pigura ng isang lalaki na galing sa palikuran.

"Buti naman at bumalik ka agad," bulyaw ni Athena. "Oh, pagkain mo." Ibinigay naman nito sa huli ang biniling pagkain, samantalang ako ay isang spinach pizza lang atsaka ice tea na tunaw na ang yelo.

"Oo nga pala noh, bukas na pala ang kaarawan ni Chase. Hindi pa ako nakakabili ng regalo, ikaw ba Amie?" Iginawi nito ang tingin sa akin st mabilis kong ibinaba ang cellphone ko.

"Wala nga akong maisip kung anong bibilhin ko 'eh, hindi ko naman alam ang mga paborito no'ng ulupong na 'yun," sagot ko.

Seriously, wala na talaga pumapasok sa isip ko kahit isa kung anong paborito nito kaya ang ending ay napabili ako ng damit pero mukhang hindi niya naman ito magugustuhan, maarte pa naman 'yung lokong yon!

"Nasaan na nga pala si Zeiro? I thought he would come to us," naiinis kong sambit.

Kanina ko pa siya tinatawagan pero binababan lang ako nito ng tawag. Hindi ko alam ang rason niya kung bakit wala siya ngayon para samahan ako pero dahil nandito na rin kami ay pinagwalang-bahala ko na lang.

Lagot talaga sa akin 'yang lalaking yan kapag nagkita kami! Habang pawui kami ay may nadaanan akong isang bake shop at napagdesisyunan kong cake na lang ang ireregalo ko sa kanya, may mga cute na design lang ako na ipinalagay sa gilid para naman matuwa ang loko kaoag nakita ito.

Nang makauwi kami sa dormitoryo ay dinaanan ko muna sa Xavien, pero sng sabi ng isa sa mga dormmate niya ay hindi pa raw ito bumabalik.

Nakakapagtaka naman, ano naman kaya ang pinagkakaabalahan ng lalaking iyon? Pinagwalang-bahala ko na lang ito at naglakad pabalik sa girl's dormitory.

Highschool Detectives ① Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon