Hiwalay na ang mga upuan nang makarating kami sa loob ng classroom. Ngayong araw na kasi ang preliminary exam. Napahawak ako sa dibdib dahil sa sobrang kaba, I know I shouldn't be worried because I reviewed all our notes and other lectures.
I crossed my fingers. Sana lang talaga ay lumabas lahat iyon sa exam.
"Don't be nervous. Alam kong makakapasa ka," Xavien whispered.
Magkatabi lang kami ng upuan ngayon dahil kung saan namin gustong umupo ay pwede at walang seating arrangement kaya una-unahan lang sa upuan kapag maaga ka pumasok.
"Sana makapasa ako," sambit ni Larken habang paulit-ulit na nagdadasal nang nakapikit. Kung ano-ano kasi ang inaabala niya kaya ayan, kahit isa ay wala siyang na-review.
Samantalang sina Nova, Athena, at Quade ay pursigido na makapasa dahil malaking bagay ang exam na ito sa magiging grade namin at kung bumagsak man kami rito ay mahahatak pababa ang mga grades namin. We maintain enough of our grade until this current semester kahit na madalas ay puro kaso at pagtakas ang inaatupag ko.
Well, someone is confident that he will surely ace the exam. Wala namang iba kung hindi si Xavien. Kahit siguro hindi na ito mag-exam ay hindi naman bababa ang grado niya sa lahat ng subject namin, dahil ang pagsali niya sa mga clubs ay may malaking points sa Amethy. Natutulungan kasi nito ang mga estudyante-especially, the drama club.
Why did I even mention it after what happened in that poison case that was planned by Jeremy? Tapos may isang asungot pang dumating na mukhang prinsipe ang hitsura pero mala-demonyo rin ang ugali.
"I'll aced this exam for sure," Zeiro said with full confidence. Medyo maraming inasikaso si Zeiro dahil hindi ko siya nakita nitong nagdaang araw, nabalitaan ko na lang mismo kay Mr. Morris na umuwi pala siya sa pamilya niya for some family matters.
Well, I hope nothing bad happen.
Araw-araw naman siyang nangangamusta. Hindi ko nga alam kung paano niya nakuha ang number ko nang ganoong kabilis, dinahilan niya na lang na binigay sa kanya ni Xavien ang number ko. When I asked Xavien about it, I know they're both lying, kaya hinayaan ko na lang.
Wala siyang alam tungkol kay Chase o sa nagaganap na engkwentrong nangyari sa amin nitong nagdaang araw. He would be extremely worried at me like Xavien does when he finds out. Kaya nakiusap ako sa kanilang lahat na huwag banggitin ang tungkol sa nangyari and they all agreed.
Dumating na nga ang proctor na magbabantay sa'min. Sa hitsura niya ay halatang masungit ito at parang galit pa ang mga kilay nang tumingin sa amin. Natahimik naman kami.
"Goodluck on your exam," aniya. Nagsimula na nga ang preliminary exam namin at may isang oras kami kada asignaturang sasagutan.
Masasabi ko talagang bobo ako dahil halos dalampung minuto na ang lumilipas ay wala pa ako sa pang sampung tanong. Nang igawi ko ang tingin kay Xavien ay nagulat ako dahil tapos na agad siya. Napahikab pa nga ito at binigyan ako ng goodluck sign. Sayang lang pala 'yung nireview ko dahil hindi lumabas sa exam 'yung mga inaasahan kong tanong na lalabas. Nakakainis!
BINABASA MO ANG
Highschool Detectives ①
Mystery / Thriller(SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH) HIGHSCHOOL DETECTIVES: FILE 1 MAZE. MANIPULATION. MURDER. MAYHEM. Amie never expected the cryptic invitation from Amethy High-a prestigious school where sharp minds are honed in the art of deduction. The invitation i...