CHAPTER 39: KILLER BRIDE (PART 2)

271 15 0
                                    

"We're here now, guys, at Las Casa Magdalena," Quade said, smiling at us.

Pagbaba ko pa lang ng van ay dumadapo na agad sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin at ang naririnig ko lang sa paligid ay isang ingay ng mga insekto. Wala akong matanaw na ilaw mula sa kalayuan, kahit ang mga kabahayan dito ay malayo kaya't tahimik ang lugar na ito.

"Dito tayo magbabakasyon ng isang linggo?" tanong ko kay Quade at umiling naman ito sa akin.

"Oo, kasama naman natin ang lola ko kaya wala na kayong dapat ikabahala pa," aniya. Saglit kaming nagtinginang lahat nang makita ang bahay na tinutukoy niya na aming pagtutuluyan ngayong gabi.

Ang creepy kasi.

Marahan akong napaigtad sa gulat nang may humawak sa balikat ko at nang lingunin ko kung sino ito ay si Xavien lang pala. "Are you okay? You seemed so scared," he said with a concerned tone of voice.

Tumango lang ako sa kanya at agad din na itinuon ang tingin sa malaking bahay. Huminga ako nang malalim at napakagat ng labi, habang si Rivon naman sa aking gilid ay bakas rin ang takot sa kanyang mukha. Hindi ko naman maiwasan ang tingnan siya ng masama kung paano niya hawakan nang mahigpit sa kamay si Xavien.

I know that I don't have permission to be jealous; after that confession at his birthday party, he's just my suitor. Rivon should know her limitations.

"Tara na at naghihintay na si lola sa loob," sabi ni Quade. Siya na ang naunang maglakad papasok.

Amidst the veil of darkness, we walked inside the house. As I gazed inside, the air was thick with suffocating dampness. The floorboards moan and shift beneath each footstep.

Halatang-halata ang pagkaluma ng bahay na para bang kahit anong oras ay gigiba na ito. Isama mo pa ang mga pinaglumaang mga gamit sa paligid.

"Mukha namang haunted house itong bahay ng lola niya, baka hindi ako makatulog ngayong gabi dito," bulong sa akin ni Rivon.

"Ako nga rin," wika ko na nanginginig pa ang boses.

I do believe in ghost kaya hindi ko maiwasan ang palingon-lingon sa paligid na baka may biglang sumulpot o mahawi ng aking tingin. Medyo madilim pa ang sulok ng bahay na tanging buwan ang nagsisilbing ilaw.

Maya-maya lang ay may bumaba na isang matandang babae at sinalubong kami. Mukhang nasa otsenta na ang edad niya pero parang malakas at masigla pa siya.

"Hijo, nandito na pala kayo," sambit ng lola ni Quade. Sinalubong kami nito ng ngiti at hinawakan naman ni Quade ang kanyang kamay, sabay binigyan ng mahigpit na yakap.

"Sila ba ang mga kaibigan mo sa maynila?" tanong ng kanyang lola.

Tumango naman ang lalaki sa kanya. "Opo, sila nga po at naparito nga kami para magbakasyon po muna ng isang linggo, pasensya napo at ginabi kami mahaba kasi ang naging biyahe namin," sagot sa kanya ni Quade.

"Maayong gabi sa inyo mga anak," bati sa amin ng kanyang lola. "Huwag kayong mahiyang tawagin akong Lola Imelda."

Napatingin kami kay Rivon ng bigla siyang magtaas nang kamay. "Lola Imelda may tanong po ako," aniya at medyo nanginginig pa ang boses.

"Ano iyon, hija?" Lumapit sa kanya ang matanda.

"W-Wala po bang m-multo rito sa bahay niyo?" natatakot na tanong ni Rivon. Marahang natawa sa kanya ang matanda dahil sa tanong.

"Huwag kang mag-alala hija, walang multo rito. Atsaka matagal na akong naninirahan dito. Mahigit Limamput-limang taon na. Kaya nakasisigurado akong walang masamang elemento sa bahay ko," mahabang lintanya ni Lola Imelda.

Highschool Detectives ① Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon