Pagkatapos ng klase namin ay gumawi agad ako sa dorm. Sa totoo lang ay wala pa akong nabibiling damit para sa susuotin ko bukas, ayoko rin naman na gamitin 'yung ibinigay ni Xavien sa akin na isang magandang dress na sinuot ko sa isang party na pinuntahan namin.
Quota na talaga ako sa gulong pinasok ko dahil bukod sa natanggap kong code noong gabing iyon, natagpuan ko na lang ang sarili ko na sumisilip sa isang kuwarto. Hindi ko na maalala kung sino ang dalawang lalaki na nag-uusap no'ng gabing iyon, pero masama ang kutob ko na baka magkita kami muli sa isang party.
I closed my eyes and crossed my fingers nang sa gayon ay hindi mangyari ito. Dahil kung magkataon ay baka manganib pa ang buhay ni Xavien ng dahil sa akin.
Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko na namalayan na may kumakatok na pala sa pinto at agad ko naman akong tumayo sa aking kama at iniligpit ang mga nagkalat na damit bago buksan ang pintuan.
"Amie, it's me!"
Nahimigan ko naman agad ang baritong boses ng lalaki at nang buksan ko ang pintuan ay bumungad ang nakangiting si Xavien.
"If this is another case, quota na ako, Xavien," I stated. He softly laughed at me after he leaned his hands on the wall.
"It's not. Yesterday, you told me to be your plus one, so I wondered if I could buy you some dress you like in the mall," he replied.
What a blessing in disguise! Saktong-sakto lang ang kanyang dating ngayon, habang naghahanap ako ng aking susuotin para bukas.
"A-are you sure?" nag-aalangan kong tanong.
Tumango naman ito sa akin at hinigit ang aking kamay palabas nang kuwarto. Nang makababa kami ay nakasalubong namin sina Athena at Larken, kumaway naman silang dalawa habang pababa kami ng hagdan.
"Oh, saan punta niyo?" tanong ni Larken.
"We're heading at the mall," Xavien replied. "Do you want to—" Hindi na nito naituloy ang kanyang sasabihin ng biglang umeksena ang dalawa.
"Sama kami!" sabay na sambit ng dalawa sa amin. Tumango naman si Xavien sa kanila. Dahil walang guard na nagbabantay ngayon ay mabilis lang kaming nakalabas ng Amethy High.
Medyo napapadalas na ang paglabas namin ng eskwelahan at buti na lang ay hindi kami mahuhuli, tiyak akong kapag nalaman ito ni Mr. Morris ay malaking kaparusahan ito para sa amin. Labag ito sa alituntunin ng paaralan at baka mapatalsik pa kami ng wala sa oras.
Nang makarating kami sa mall ay naramdaman ko agad ang pagkapit ng malamig na hangin ng aircon sa aking balat. Nakasuot lang ako ng plain white oversized t-shirt at isang maikling shorts, hindi naman din ako nakapagpalit dahil sa pagmamadali ni Xavien.
"So, kanino nga ulit 'yung birthday party na pupuntahan niyo?" tanong ni Larken habang sumisipsip ng kanyang milk tea na binili.
"It's Rivon Cortez birthday, bakit sasama ka ba?" I asked. Saglit na napatingin ito sa akin at nanlaki ang kanyang mata.
"What do you mean it's Rivon Cortez, isang grandeng selebrasyon ang pupuntahan niyo. Hindi mo ba kilala ang dad nya?" sambit ni Larken.
Tila napakunot-noo naman ako sa kanyang sinabi. Grand celebration? Wait! So, galing sa mayamang pamilya si Rivon?
"The party will be held tomorrow at the Villa Cortez. I didn't expect that her family is kinda rich. Ang balita ko ay nagmamay-ari ang dad niya ng maraming hotels sa buong pilipinas, her mom is also a real estate owner," Xavien stated.
My eyes widened. I can't believe that Rivon comes from a wealthy family. Sa histura niya kasi ay hindi mo mahahalatang mayaman siya at palagi pang tahimik sa klase.
BINABASA MO ANG
Highschool Detectives ①
Mystery / Thriller(SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH) HIGHSCHOOL DETECTIVES: FILE 1 MAZE. MANIPULATION. MURDER. MAYHEM. Amie never expected the cryptic invitation from Amethy High-a prestigious school where sharp minds are honed in the art of deduction. The invitation i...