CHAPTER 28: KISS OR DATE?

353 18 0
                                    

Hindi ako nakapag-focus sa pagre-review ko para sa upcoming preliminary exam dahil sa sinabi niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi ako nakapag-focus sa pagre-review ko para sa upcoming preliminary exam dahil sa sinabi niya. He invited me to have a date with him on his birthday?

"Don't take it seriously, it's a friendly date."

Really a friendly date na may konting harutan? Nagdadalawang-isip tuloy ako kung papayag ako. God! Bakit ba kasi sa tuwing nagkakatinginan kami ay parang nanlalambot ang puso ko.

His eyes can't even lie that he likes me, pero ayoko siyang paasahin. I take a deep breath and try to focus on my reviewer. Napasapo na lang akong sa aking mukha at hindi alam ang gagawin. Wala akong naisagot sa kanya matapos niyang sabihin ito. Kinakabahan tuloy ako bukas dahil tiyak akong naghihintay siya sa isasagot ko.

Halos hindi ako nakatulog buong magdamag dahil yata ito sa kakaisip ko sa nangyari kahapon. Pagtingin ko ng orasan ay 8:30 A.M na pala.

Shit! Anong oras na. "Late na 'ko!

Napabalikwas ako sa kinahihigaan at mabilis na kumaripas papasok ng banyo. Mabilis na pagligo lang ang ginawa ko at hindi na rin ako masyadong nag-ayos, kinuha ko na ang bag at lumabas agad ng kuwarto.

Pagpasok ko sa silid ay wala pa ang guro namin kaya nakahinga naman ako nang maluwag, pero lahat sila ay nabaling ang atensyon sa'kin. Hinayaan ko na lang ito at pumasok agad.

"Ang ganda mo ngayon, Ms. Sungit," pang-aasar ni Larken at binigyan ako ng pilit na ngiti. What's with his compliment?

Naabutan kong papasok pa lang sina Athena, Quade, at Xavien habang tumawa pa pero nang makita nila ako ay natahimik sila. Naririnig ko rin ang pagtawa ng iba kong mga kaklase. May mali ba?

"Bes, hindi mo naman sinabi sa'kin na labandera pala ang sideline mo at may tuwalya pang nakapulupot sa ulo mo," sarkastikong sagot ni Athena.

Nanlaki ang mata ko nang sabihin niya ito at na halos ikamula ng magkabila kong pisngi dahil sa hiya. Hindi ko pala natanggal ang tuwalyang suot ko dahil lutang akong nagmamadaling umalis. Hinampas ko ang balikat ni Larken dahil sa lakas ng tawa niya.

"Ba't hindi mo agad sinabi sa'kin?!" inis kong sabi.

"Bagay nga sa'yo 'eh—Masakit 'yun ah!" Dahil sa pang-aasar niya ay sinikmuraan ko siya, pero hindi pa rin ito tumitigil katatawa.

Ang ilang mga kaklase ko rin ay halos magtawanan, para tuloy gusto ko nang magpakain sa lupa sa mga oras na ito dahil sa kahihiyan.

"I'll take that. Mag-ayos ka muna." Kinuha ni Xavien ang hawak kong maliit na tuwalya at umupo sa bakanteng upuan. "Wala naman tayong first subject dahil galing na kami sa faculty room. Ang sabi ni Mrs. Valdez sa'min ay marami raw silang ginagawa ngayon. Kasama na ang mga test paper para sa upcoming preliminary exam."

Dali-dali naman akong bumalik sa dorm para mag-ayos at naglagay na rin ako ng lightweight foundation. Hindi niya tinanong ang tungkol sa date namin. Papayag na ba ako sa sinabi niya? Lumabas na ako ng kuwarto at nakasalubong ko pa ang bagong gising na si Rizelle, ang vice president ng Amethy High.

Highschool Detectives ① Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon