"Y-Your father?" I asked. The V sign represents his father's name. Ilang saglit lang ay narinig ko ang sigaw ni Larken.
"Buhay siya!" sigaw niya. Lahat kami ay lumapit sa kinaroroonan niya habang tinitingnan niya ang paghinga ng isang estudyante.
"Buhay si Deib," aniya pa ni Larken.
Agad na tumawag si Detective Mori ng first aid at mabilis naman silang rumesponde. Nilabas na ang katawan ni Deib at may tiyansa kaming makausap siya tungkol sa nangyari.
"This is not just an accident. Walang natamo na sugat ang dalawa, pero si Casper lang ang namatay. It's an attempted murder!" Xavien clarified.
"Ha? Attempted murder?" tanong ko.
Si Larken naman ay muling tiningnan ang dalawang malamig na bangkay. Patay na talaga sila at marahil ay isa sa mga kaibigan nila ang nagplano upang gawin ito.
"Yes, this is an attempted murder. Palapitin niyo sila," utos ni Larken sa mga pulis. Mabilis naman silang lumapit kasama ang tatlong babae.
"Hindi ba't kaibigan niyo sila?" sunod na tanong niya. Tumango naman sila sa itinuran ng huli. "Isa sa inyo ang nagtangka na patayin silang tatlo."
Nanlaki ang mga mata nila at itinatanggi ang paratang.
"H-Hindi kami ang pumatay sa kanila. Aksidente ang nangyari. Nandoon kami noong nangyari iyon," pahayag ni Nicole, isa siya sa mga kaibigan nina Casper at Zoey.
"That's impossible," singit ni Xavien. Umayos ito ng pagtayo niya at lumapit pa sa babae. "Kung talagang nandoon kayo no'ng mga oras na sumabog ang chemical na pinaghalo nilang dalawa, bakit wala kayong natamo na kahit anong sugat sa katawan?" A mischievous smile appeared in his face.
Hindi nakapagsalita ang tatlo.
"We found another clue," sambit ni Detective Mori at agad na iniabot ito kay Xavien.
Isang papel ito na listahan ng mga chemical compound, pero ang nakakapagtaka lang ay nakuha ito mula sa isa sa mga bag nila.
"This is a fake formula. Kung titingnan ay may pagkakapareho sila, pero sa listahan ng H2O2 sa katabi nito ang CH3COOH. It leads to heat that can cause fire," Xavien stated.
Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. "Ano ba 'yung sinasabi ni Xavien na H2O2 and CH3?" bulong ko kay Larken. Ngumisi lang siya at nanguna na para ipaliwanag ito.
"Xavien is right. Hydrogen peroxide is a chemical compound with the formula H2O2. In its pure form, it is a very pale blue liquid that is slightly more viscous than water, and if it mixed with Acetic acid, which is a colorless liquid and organic compound, it could lead to explosion and not as peracetic acid," paliwanag niya.
"Sa madaling salita, pinlano ng isa sa kanila na palitan ang papel na ito, nang sa gayon ay ang lahat ng estudyanteng gagamit ng ganitong formula ng chemical compound ay mapapahamak. Tama ba ako, Nicole?" Iginawi niya ang tingin sa nakayukong si Nicole.
BINABASA MO ANG
Highschool Detectives ①
Mistero / Thriller(SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH) HIGHSCHOOL DETECTIVES: FILE 1 MAZE. MANIPULATION. MURDER. MAYHEM. Amie never expected the cryptic invitation from Amethy High-a prestigious school where sharp minds are honed in the art of deduction. The invitation i...