CHAPTER 22: WHO IS CHASE?

360 22 0
                                    

"Mauuna na kami," sambit ni Athena at lumabas na sila kasama ng iba ko pang mga kaklase

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Mauuna na kami," sambit ni Athena at lumabas na sila kasama ng iba ko pang mga kaklase.

Ako na lang ang naiwan sa loob ng silid para magpalit ng puting t-shirt dahil sobrang dumi na ng suot ko ngayon.

Nang makapagpalit ako ay may napansin akong isang papel na tila nakasuksok sa gilid ng locker ko. Hindi ko ito napansin noong una dahil na rin sa pagmamadali at nang kunin ko ito at buksan, nakita kong Morse code na nakalagay sa lukot na papel na hawak ko. Nang mapagtanto ko kung ano ang nilalaman ng sulat ay halos matuptop ang labi ko at bumilis ang tibok ng puso ko.

Hindi ko mapigilan ang panginginig nang tuhod ko ng mabasa ang nasa sulat. "The Killer is behind you." 'Yan ang nai-decode ko at dahil morse code lang ang tanging alam kong cipher na mabilis kong maintindihan. Hindi na maalis ang kaba sa dibdib ko.

Sinubukan kong dahan-dahan na lumingon at naaninag ko ang isang matangkad na pigura ng lalaki na papalapit sa'kin. Bigla na lang siyang may isinaboy sa mukha ko na parang spray na dahilan ng unti-unting pagbagsak ng talukap ko habang napahawak naman ako sa locker dahil sa hilo.

Pilit kong idinidilat ang mga mata ko pero hindi ko makita nang malinaw ang pigurang nasa harapan. Tiyak akong lalaki ito base sa postura niya, pero huli na ng bumagsak ang katawan ko at nawalan ng malay.

Ilang saglit lang nang maidilat ko muli ang mata ay naramdaman kong nakatali ang dalawang kamay ko. Napadilat ako nang wala sa oras at pinipilit na ikalas ang mahigpit na tali. Bumilis ulit ang pintig ng puso ko nang lumapit ang isang pigura ng lalaki na kanina ay hindi ko makita.

Nakasuot ito ng itim na jacket pero lumitaw naman ang suot niyang uniporme. Palagay ko ay mula siya rito sa Amores High dahil kulay asul ang suot niya, samantalang plain ang uniporme ng lalaki sa Amethy High. Kaya nakita ko agad ang pagkakaiba

"S-Sino ka?" tanong ko. Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya sa likod ng dilim alam kong malawak na nakangisi ito sa'kin

"I should be the one asking you. Who are you?" he asked.

Wala akong oras makipaglaro sa mga walang kabuluhang tanong niya. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit niya ako ikinulong dito, and he even acted like a psychopath that scared the shit out of me.

"Why should I tell you who am I? Ikaw ang nagdala sa akin sa madilim na silid na 'to," sambit ko. Nang maaninag ko ang mukha niya mula sa nagtatagong dilim ay sinamaan ko siya ng tingin.

May hawak din siyang baril. Is this for real? Legal ba talaga lahat ng bagay dito sa Amores High?

Nakapagtataka kung bakit naman gagawin ng punong-guro 'yun sa eskwelahan na parang walang alituntunin na sinusunod dito.

His face is like a jerk—What I meant is he's like Qurie, bata pa ang hitsura niya pero parang sanggano kung titingnan. He looked quite familiar to me like I had seen him before, but I can't tell who it is.

Highschool Detectives ① Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon