After that conversation with them, we headed back to Amethy High like nothing had happened. Nothing has changed, and they are still on the verge of doing it. I tried to intervene and stop their plan but to no avail. Even if I want to know the truth, I still feel guilty about how Rivon feels about it na parang siniraan namin siya.
I don't want her trust in us to ruin at gusto ko siyang kausapin patungkol sa plano namin, pero parang nag-iba ang ihip ng hangin kahapon habang nasa tapat ako ng kanyang kuwarto at kakatok na sana.
I stepped back and decided not to do it.
"Do you believe that she's lying to us all this time?" mahinang sambit ni Athena. "Paano kung hindi totoo ang hinala niyo sa kanya?"
Ibinaba ko ang librong hawak ko.
Nasa library kami ngayon at nagpapalipas oras lang and I'm currently reading a fiction novel of Conan Doyle's story called "The Boscombe Valley Mystery." Medyo naging interesting kasi sa akin ang istoryang ito at na-curious ako kaya hiniram ko kay Quade ang libro para basahin ngayon.
Matapos kong ibaba ang libro ay luminga-linga muna ako sa paligid ng silid. Buti na lang talaga ay kakaunti lang ang pumupunta rito sa Library kaya kampante ako na walang makakarinig sa mga sasabihin namin.
Isa pa, malayo ang pwesto ng librarian kaya hindi kami nito maririnig. Kahit na ang ibang estudyante ay malayo rin ang pagitan sa amin dahil kami lang ni Athena ang gumagamit ngayon nitong mahabang lamesa.
"Hindi ko pa naririnig ang side ni Rivon tungkol dito, but I'm planning to say it to her," I said.
"What?!" bulyaw nito na napalakas ang kanyang boses kaya ang ilang estudyante ay nagtinginan sa kanya.
"Lower your voice," I uttered.
"You're gonna tell her? Paano kung may masama siyang balak pagkatapos mo sabihin sa kanya? What if she's trying to interfere with your plan o hindi kaya ay alam niya ang lahat?"
She has a point, but I can't assure right now that all of her theory about it was right. Marami ng bumabagabag sa isip ko at kapag dumagdag pa iyan ay hindi ko na alam ang gagawin.
As of now, mas mabuting hindi ko pa sinasabi sa kanya and I know she would overreact if I say it.
"I don't have any idea how they're planning to bait her since she's the unknown student here. Wala rin siyang kahit anong records dito, kahit isang documents ay wala siyang ipinasa. I'm trying to think how she put on her mask to hide all of this," I said, lowering my voice.
"Mask? What mask are you guys talking about?" Muntikan na kaming mahulog sa kinauupuan naming dalawa ni Athena ng marinig namin ang boses ni Rivon.
"Uh...umm... It's a masquerade, Oo' yun nga!" pagdadahilan ni Athena.
Shit! Narinig niya ba ang pinag-uusapan naming dalawa kanina lang? Well I hope it's not, dahil baka kung ano pa ang mangyari.
"Masquerade party?" kunot-noong tanong ni Rivon.
"Oo, may gaganapin ulit na masquerade party next school year, 'yun ang pinaguusapan namin ni Amie." Tumingin siya sa direksyon ko at pilit na ngumiti. 'di ba, Amie?"
Tumango na lang ako sa kanya bilang pagsang-ayon sa pagsisinungaling niya. Although it's kinda true that we will have a masquerade party again for our senior party next school year, pero pinag-isipan pa iyon at walang pang desisyon ang Chancellor tungkol dito.
"Well, sana makadalo ako sa party na gaganapin dahil sobrang busy ko lately at marami pa akong kailangan gawin kahit na bakasyon", aniya niya at umupo sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Highschool Detectives ①
Mystery / Thriller(SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH) HIGHSCHOOL DETECTIVES: FILE 1 MAZE. MANIPULATION. MURDER. MAYHEM. Amie never expected the cryptic invitation from Amethy High-a prestigious school where sharp minds are honed in the art of deduction. The invitation i...