CHAPTER 40: GAMES AND MYSTERY

315 14 0
                                    

"Dadalo ba kayo para sa pagsasalo mamayang gabi mga bata?" tanong ni Lola Imelda nang makaupo sila Xavien at ang iba pang ulupong na kasama ko.

Uminom na muna ako nang tubig, medyo hindi pa nag-sync-in sa akin ang mga nangyari kanina. I didn't expect that kind of revelation kung paanong nagpanggap si Dolores bilang isang kasambahay at nasaksihan niya kung paano nalulunod sa pera ang mag-asawa, habang siya ay naghihintay ng hustisya sa pagkamatay ng kanyang ina. Hindi ko rin naman siya masisisi lalo na kung ako ang nasa posisyon ng buhay niya.

She waited for her mother's justice, and now that it is served ay makakapamuhay na nang maayos si Dolores dahil nalaman niya na ang katotohanan sa likod ng pagpatay sa kanyang ina at makukulong na rin ito.

Nabalik naman agad ang atensyon ko sa mga ulupong at dalawang babae na nakaupo ngayon.

"Opo, Inimbitahan na rin po kami ni Doktora Luna na dumalo mamayang gabi, Lola," sabi ni Quade at iginawi ang tingi sa aming lahat. "Isa pa ay baka magpakita ulit si Fersipina."

May bahid pa ng takot ang tono ng kanyang boses ng sabihin ito.

"Na 'ko, hijo, mahirap na baka magkatotoo ang iyong sinabi. Sanay huwag naman," wika ni Lola at nag-sign of the cross pa.

"Lola naman, para naman pong hindi bago sa inyo ang mga nangyayari dito, nabalitaan ko po ang nangyari no'ng nakaraan," aniya ni Quade na pagbibigay alam sa kanyang lola.
"Totoo po ba wala na Mang Protacio?"

Napagawi ang tingin ko kay Quade.

"Sino si Mang Protacio?" tanong ko nang mailapag ko sa mahabang mesa ang hawak kong baso at pitsel.

Bago pa man maibuka ni Quade ang kanyang bibig ay pinangunahan na siya ng matanda.

"Siya ang dating katiwala ni Fersipina at isa sa nakaligtas noong nasusunog ang bahay nito," sabi ni Lola Imelda. "Magpahanggang ngayon ay wala pa ring nakakaalam kung bakit ginawa iyon ni Fersipina sa gitna ng kanyang kasikatan."

"Ibig-sabihin hindi pa rin po nareresolba ang kaso hanggang ngayon?" tanong ni Xavien at bahagyang tumango si Lola sa kanya.

"Then...we should help them to solve the case," Xavien added. Lahat kami ay nagulat sa tinugon niya.

I don't know what he was thinking, but after we got in here I saw him being interested when Quade mentioned the killer bride. We'll I hope that this kind of case isn't the same as before. Dahil hindi ko na talaga kakayanin kung makakakita pa ako ng maraming dugo ng isang patay na tao.

I often get chills when I'm looking at their dead cold bodies, as they bathed in their own blood. Minsan ay hindi ko na talaga nasisikmura ang mga nakikita ko.

Samantalang kabaligtaran naman kay Xavien na sanay na sanay makakita ng isang patay habang nireresolba ang kaso. Bigla na lang tumayo si Larken at bakas ang pagngisi sa kanyang labi at mukhang gano'n din ang ekspresyon ng mukha ni Xavien.

"Let the game and mystery begin," Larken quoted.

Lumipas na nga ang ilang oras at lahat kami ay naghahanda na para pumunta sa isang maliit na bahay, kung saan ang ilang mga tao roon ay nagbibigay respeto sa pagkamatay ni Fersipina at ng kanyang pamilya. Nakasuot ako ngayon ng isang disenteng itim na dress at parehas kami ni Athena at Rivon, habang puting t-shirt at black pants naman sa apat na ulupong.

"Halika na mga bata at baka mahuli pa tayo sa pagdadalo," paanyaya ni Lola Imelda sa amin.

Para tuloy kaming mga batang apo niya na marahang nakahawak pa ang kanyang kamay sa amin.

Pinagwalang-bahala ko na lang ito hanggang sa makarating kami sa isang bungalow. Marahang kumatok si lola at iniluwal non ang isang lalaki at nang magtama ang tingin namin ay ngumiti ito.

Highschool Detectives ① Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon