Napalagok na lang ako ng tubig dahil sa aking nasaksihan, halos matapon na nga ito dahil sa panginginig ng aking kamay.
"Are you sure you want to help?" Xavien asked. "You don't look better, Amie." Napahawak ako sa kanyang braso at napatango.
I have Hemophobia and ever since I was little, I can't control myself whenever I see blood.
Minsan ay nasisikmura ko pa rin na tingnan ito, pero sa lagay ng kuya ni Rivon ay halos hindi maipinta ang pagkagulat sa aking mga mata.
I can still remember when I was nine years old when my father got killed. He didn't get the justice he deserved because the murderer behind his killing was still unknown to us. But one thing I'm sure about, I saw the blue orchid that my father was holding in his right arm while bathing in his own blood.
Ilang minuto ang lumipas at malakas na sirena ang narinig namin mula sa labas ng bahay ni Rivon at nang makapasok ang mga pulis at ilang crime operatives sa loob, agad nilang tinungo ang isang kuwarto kung saan natagpuang patay si Coleen.
Lumakad ang isang lalaki na pamilyar sa amin ni Xavien, walang iba kung hindi si Detective Mori. Seryoso ang mukha niya habang may hawak na maliit na notebook at isang ballpen.
"Mga bata, ano pang ginagawa niyo riyan? Halika na at tingnan natin ang nangyari sa taas," sabi ni Detective Mori. Tumango naman si Xavien sa kanya at tinulungan naman ako nito.
May kasama itong dalawang pulis na sa tingin ko pa lang ay mukhang hindi mapagkakatiwalaan. Mga mukha kasing sindikato kaysa sa pulis.
Tinungo na nga namin ang pangatlong kuwarto kung saan nakahandusay ang isang babae, may sugat ang leeg nito at puro pasa ang kanyang katawan, habang duguan naman ang kaliwang tiyan nito na tiyak akong sinaksak siya.
"Ayos ka lang, Amie?" tanong ni Rivon. Tumango naman ako sa kanya at pilit na ngumiti.
Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan sa kanya? After what happened parang wala lang sa ekspresyon ng kanyang mukha ang nakita namin kanina.
Is it just me or may kakaiba talaga sa babaeng kaharap ko ngayon?
Naalala ko noong galing kami sa mall at may nadatnan na isang patay na lalaki sa isang coffee shop. I remembered how she deduced a crime and told exactly what happened, like she was at the crime scene when the man was killed using the cyanide poison.
She perfectly guessed what the killer used to kill the victim, kaya nakapagtataka kung paanong ang isang ordinaryong katulad niya ay may alam sa ganitong klaseng kaso o sadyang may tinatago lang siya na ayaw niyang malaman namin?
Sumunod naman sa ikalawang palapag ng bahay sina Quade, Larken, Zeiro at Athena. Sinamaan ko naman ng tingin si Chase dahil nandito rin siya, and Detective Mori also knows him.
May dapat pa ba akong malaman sa pagkatao ng babaeng ito?
"Ang lahat ng taong narito kanina sa ikalawang palapag ay pwedeng maging suspect sa pagpatay kay Coleen, kaya't isa sa kanila ang marahil na pumatay sa kanya," aniya ni Xavien.
"Tama ka riyan, bata. Pero kailangan muna natin kumalap ng ebidensya at testimonya ng mga taong naririto ngayon," sagot ni Detective Mori.
Kahit na natatakot at nanginginig ako ngayon ay nagawan ko pa ring lapitan ang babae ng nakahandusay sa sahig, habang ito'y naliligo sa kanyang dugo. Kung titingnan ay parang walang kakaiba, pero nang lapitan ko ito at masinsinang tiningnan ay napansin ko ang isang hibla ng buhok. Marahan akong lumapit at kinuha ito.
Buhok ng isang babae? Mahaba ito at hindi kulay itim, kung hindi ay may halo itong kulay ng ginto at kayumanggi. Agad akong lumabas ng biglang humarang sa daanan ko si Rivon.
BINABASA MO ANG
Highschool Detectives ①
Mystery / Thriller(SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH) HIGHSCHOOL DETECTIVES: FILE 1 MAZE. MANIPULATION. MURDER. MAYHEM. Amie never expected the cryptic invitation from Amethy High-a prestigious school where sharp minds are honed in the art of deduction. The invitation i...