Bago pa ma-proseso ng isip ko ang binabasa sa file na hawak ngayon, narinig ko na ang paglangitngit ng pinto kaya agad akong napalingon. Halos bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang tunog ng doorknob.
Mabilis akong nagtago sa ilalim ng desk at pinasok ang sarili ko sa loob, saka marahang hinila ang swivel chair para hindi madiskubre na nasa ilalim ako.
Mahigpit kong hinawakan ang brown folder na nakita ko at hindi maiwasang mapasma ang aking palad dahil sa kaba at takot na mahuli ako. Nakarinig ako ng yabag ng takong at isang boses ng babae ang aking narinig.
"Yes, Professor Morris, nagawa ko na po ang iyong sinabi. Bukas nang umaga ay ipapatawag ko na sila," sambit ng babae at mukhang may kausap sa kabilang linya.
Pamilyar ang boses niya!
Kung hindi ako nagkakamali siya ang sekretarya ni Mr. Morris na si Kiara Mae Santiago, pero anong ginagawa niya rito sa office ng ganitong oras?
"I know they are just using that girl as bait to not suspect our organization," she responded, talking to someone on the other line.
What? Did she mean their organization? Isa rin ba siya sa mga tauhan ng mafia na may kinalaman sa pamilya ni Xavien? I hope not, because chaos seems to start if she's part of that kind of organization. Mas lalo ko lang din pinapalapit ang sarili ko sa kapahamakan.
Sa bawat yapak ng babae ay pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko. Nanatili akong nakatago at sinusubukang huwag mahuli ng liwanag upang hindi niya ako makita sa ilalim ng desk.
Naaninag ko ang kanyang pulang takong na ngayon ay nakaharap sa desk ni Mr. Morris, mukhang ginagalaw niya ang mga documents na nakalatag.
Why is she here? Hinahanap niya ba ngayon ang hawak ko?
"It's good that she doesn't know everything behind them; otherwise, she might lose her trust in that smart detective boy. Sa ngayon ay mas mabuting hayaan na muna natin sila, one of them might suspect us that we're trailing them," she said.
Ang mga sumunod niyang sinabi ay hindi ko na gaano marinig. Habang tinitingnan nito ang mga dokumento ay nanlaki ang mga mata ko nang mahulog ang ilang piraso ng mga papel sa sahig.
Shit!
Beads of sweat began rolling down my cheeks. Patay! Mahuhuli pa niya yata akong nasa ilalim. Mukhang nakita niya nga na nalaglag ang ilang piraso ng papel at nang aabutin niya na sana ito ay napapikit na lang ako at nagdasal na huwag niya sana akong makita.
"Miss Secretary, nandiyan po ba kayo?" Nakarinig ako ng isang malakas na katok at boses ng babae.
Pamilyar ang boses niya sa 'kin!
Nang maimulat ko ang aking mga mata ay nakita kong hindi niya kinuha ang papel bagkus ay naglakad ito patungo sa pintuan. God! Save by the bell, thanks to Rivon at kumatok siya nang pinto. Kung nagkataon ay baka kung ano na ang nagawa sa akin ng babaeng ito kapag nahuli ako matapos kong marinig ang usapan nila ng kanyang kausap sa telepono.
"Anong kailangan mo?" sagot ni Kiara sa babaeng kumatok.
"Pinapatawag daw po kayo ng Chancellor dahil magsisimula na raw po ang meeting," sambit sa kanya ni Rivon. "Kailangan na raw po kayo agad sa baba."
"Sige. Susunod na 'ko," aniya niya.
Nang maipatay nito ang ilaw sa office at marinig ko ang yapak niya palabas nang silid ay do'n pa lang ako nagkaroon ng tiyansa na makalabas sa office ni Mr. Morris, pero hindi ko inaasahang sa pagtakbo ko palabas ay nakabangga ako. Nang magsalubong ang tingin namin ay agad akong napakapit sa kanya nang mahigpit.
BINABASA MO ANG
Highschool Detectives ①
Mystery / Thriller(SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH) HIGHSCHOOL DETECTIVES: FILE 1 MAZE. MANIPULATION. MURDER. MAYHEM. Amie never expected the cryptic invitation from Amethy High-a prestigious school where sharp minds are honed in the art of deduction. The invitation i...