CHAPTER 6: CODE RED

753 37 0
                                    

The victim was an Art teacher named Fey Evangelista

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

The victim was an Art teacher named Fey Evangelista. Matagal na siyang guro dito at ngayon ang huling araw niya sa pagtuturo, at huling araw niya na rin pala para mabuhay. They already called the police at hinihintay na lang ito.

Sigurado ako na nakaantabay na naman sa kaso si Detective Mori. I already have a deduction on this murder case, pero hindi pa ako sigurado. I need more clues and evidence to prove my deductions.

Nagiging mahusay na rin yata akong detective, malaking tulong talaga sa akin ang mga librong binigay ni Quade. May silbi rin pala ang mga ito.

"May naisip ba kayo kung sino ang pwedeng gumawa sa kanya nito?" tanong ni Xavien sa mga estudyante, ngunit pag-iling lang ang sinagot nila.

Pinaliwanag namin sa mga guro na handa kaming tumulong upang malutas ang kaso at hindi sila nag-alinlangan na tumango.

May lumapit na isang estudyante. Siya ang sumigaw kanina sa Cafeteria na may namatay sa Art room. "Hindi namin alam kung sino ang pumatay, pero may apat na estudyante na nanatili riyan sa silid bago namin nakitang patay na si Ms. Fey," pahayag niya.

Ilang saglit lang ay ipinatawag ang apat na suspect, kabilang ang isang bagong guro.

Nakapagtataka lang dahil paano naging suspect ang isang bagong guro? Dumating na sila at nagpakilala. Kasabay nito ang pagdating ni Detective Mori.

Halata naman na kapag may kaso si Xavien ay laging nandiyan si Mr. Mori para tulungan siya. Nakakayanan naman na lutasin ni Xavien ito ng mag-isa kahit na walang tulong ng iba.

Ganyan siya kagaling na Detective!

"Atbash," wika ni Xavien. Kumuha siya ng ballpen at papel, at inisa-isa ang mga letra. Huh? Anong atbash ang sinasabi nya? Bakit parang nabasa ko na ang tungkol dito?

"Anong atbash?" tanong ko. Hindi ko mahulaan ang sinasabi niya. Sa pagkatatanda ko ay parang may nabanggit akong ganyang salita.

"The Atbash cipher is a particular type of monoalphabetic cipher formed by taking the alphabet." Ipinakita niya sa'kin ang maliit na notebook para maunawaan ko.

"It maps each letter of an alphabet to its reverse, so the first letter is A becomes the last letter, which is Z. Then the second letter is B, that becomes the second to last letter, which is letter Y, and so on."

Mabuti na lang ay naintindihan ko agad ang sinabi niya.

"This is one of the easiest ciphers, bukod sa Morse code," dagdag niya pa.

Panay tango lang ako sa sinasabi niya. Kung titingnan ang mga letra ay madali lang talaga itong hulaan dahil pabaliktad lang ang mga ito.

ABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVWXYZ

ZYXWVUTSRQPONMLKJIHGFEDCBA

"The letters are V-W-X-L-V-W-I." Inisa-isa namin habang nililibot ang buong silid. "That means the word has been jumbled, pero hindi ko pa rin ito mahulaan," aniya ni Xavien.

Highschool Detectives ① Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon