CHAPTER 46: CRIMSON VS AMORES

204 9 0
                                    

Isang malakas na ingay ang bumungad sa buong dormitory. Halos mahulog ako sa kinahihigaan ko sa lakas ng ingay ng alarm ng campus.

Hindi ko alam kung para saan ito pero nakakainis!

Nang tingnan ko ang orasan ay pasado alas-sais pa lang ng umaga. Napayapos tuloy ako sa aking baywang ko sa lakas nang pagkakahulog ko.

Ang aga pa pero bakit ganito naman kalakas ang ingay? May sunog ba?

Kinusot ko ang aking mga mata bago tinungo ang pintuan at lahat ng estudyante ay napalabas din ng wala sa oras. Wala kaming ka alam-alam sa nangyayari ngayon hanggang sa bigla na lang itong tumigil at isang boses ng babae ang pumalit. Kilala ko ang boses na ito dahil siya ang nakita kong pumasok sa silid ni Mr.Morris at walang iba kung hindi si Secretary Keira.

"To all students, please proceed to Amethy High's Auditorium. We have an important announcement to make." Mas nakakatulig pa ang sinasabi ng babae sa speaker dahil paulit-ulit ito.

Lahat ng Amethy students ay ipinatawag sa auditorium para sa isang announcement. At ano naman kaya ang mahalagang sasabihin nila sa amin?

Sana lang ay magandang balita ito-Wait! Hindi kaya ang sasabihin nila sa amin ngayon ay nakalabas sa media ang mga nangyayaring pagpatay dito sa loob ng Amethy High? Bumilis tuloy ang tibok ng puso ko dsla ng kaba habang papalabas ako ng aking kuwarto.

"Good Morning, Amie!" bati sa akin ni Rivon nang magkasalubong kami sa unang palapag. Ngumiti ako at binati rin siya, sumunod na rin na nakita ko ang pigura ng tatlong lalaki nang magtungo kami sa gymnasium.

"What do we have here? An announcement to make?" Xavien muttered.

"Baka raw ipasasara na itong school, kurakot kasi ang mga Chancellor natin. Hindi kasi nila pinapaayos 'yung mga sirang electric fan at aircon," biro pa ni Larken.

"Omsim pare, wala pa rin ba silang balak na ayusin ang ilang sira ng room? Medyo nagkaroon ng bitak ang ilang silid dala ng lindol na tumama rito noong nakaraang taon," sabat ni Quade.

Agad naman kaming umakyat at humanap ng mauupuan, hanggang sa napuno na rin kalaunan ng mga estudyante ang buong auditorium namin at hindi na rin maiiwasan ang ingay.

"Sobrang aga naman ata nilang nagpatawag ng estudyante?" sabi ng isa kong kaklase na si Giselle.

"Kaya nga ano bang meron?"

"Hindi kaya tungkol ito sa issue natin?"

"OMG! Baka nakalabas na sa media!"

"Teka nga, titingin muna ako at makikichismis ng balita sa ibang section." Mula sa likod at harap, kaliwa't-kanan rin ang mga opinyon ng mga estudyante kung bakit kami biglang pinatawag ng Secretary ni Mr. Morris.

Napatingin ako sa aking relo habang humihikab pa. It's already past seven o'clock in the morning, and our chancellor is speaking in front of us while we are sitting.

"Good Morning everyone!" bati sa amin ng Chancellor. Walang bakas ng emosyon sa kanyang mukha.

Matangkad ito at mukhang ngayon ko lang siyang nakita rito, nakasalamin pa habang nakasuot ng isang formal attire. Mukhang nasa 40's na rin ang kanyang edad tulad ni Mr. Morris. Ang akala ko nga ay si Secretary Keira ang magsasalita ngayon tungkol sa pagtawag sa amin ng ganito kaaga pero hindi pala.

"So, the announcement is there will be an early visit to Crimson High for upcoming events next school year," The Chancellor said. Parang mga bubuyog na naman ang mga estudyante dahil at puro bulungan ang bumalot dito.

May ilang natuwa at hindi sang-ayon sa sinabi ng Chancellor. Pero para sa akin ay maganda na rin na magkaroon kami ng early visiting sa ibat-ibang school.

Highschool Detectives ① Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon