CHAPTER 32: PSYCHO KILLER (PART 2)

327 22 0
                                    

Amie

Nagising na lang ako at natagpuan ang sarili sa isang kuwarto-kakaibang kuwarto na hindi gugustuhin ng iba lalo na kung ikaw ay isang bisita.

Nang igawi ko ang aking paningin ay para akong nasa isang madilim na parte ng mundo, bukod kasi sa napaka-gloomy ng kuwartong ito ay balot na balot ang buong paligid ng itim. Mula sa kumot, unan, kurtina pati na ang ilang pigura o gamit ay kulay itim rin.

Nakakapagtaka kasi parehas ito sa aking nakita kong kuwarto no'ng nawalan ako ng malay at paggising ko ay nasa kuwarto na ako ni Quade. Nang tingnan ko ang orasan mula sa gilid ko ay ala-una na ng madaling araw.

Wait! Bago ako nawalan ng malay ay nakita ko ang mukha ng lalaking nakamaskara. I gasped when it flashed back through my mind in a snap. Hindi ako pwedeng magkamali sa aking nakita, hindi ko inakala na siya ang taong iyon.

At first, I thought it was Xavien, but I was wrong. It's good thing I had a chance to know his identity just before my eyes closed.

"V-Venom is...Chase," I uttered.

In a second, I heard footsteps. Agad na naagaw ang atensyon ko dahil nakikita ko ang isang pigura ng tao dahil sa ilaw mula sa kabilang pintuan.

Dahan-dahang itong bumukas at ang langitngit nito ay bumalot ng ingay sa buong paligid. Isang pigura ng babae ang bumungad sa akin. Maikli ang kanyang buhok at ibang-iba siya sa mga babaeng nakikita ko.

She's part of Valmoris mafia.

Mapula pa ang labi nito habang nakasuksok sa kanyang bunganga ang isang lollipop, pero agad niya rin itong tinanggal nang magtama ang tingin namin sa isa't-isa.

"Finally, you're awake," she said, walking towards the bed and gently sitting not far from me. "They'll be here in an hour once they decipher my message."

I gulped as I glanced at her.

"W-Who are you?" I asked and she just let out a smirked. Kung paano ito ngumisi ay parang kapareho lang din ng kay Xavien.

"Oh, I forgot to introduce myself to you, my bad," she muttered. Tumayo siya at inilahad ang kanyang kamay sa harapan ko. "I'm Lorelei Amethyst Zivaro-Amores."

Amores? Kamag-anak siya nina Larken at Xavien? Pero wala silang nabanggit sa akin patungkol sa kanya?

Nanginginig ang kamay ko habang nararamdaman ko ang mainit niyang palad. After we shake our hands I didn't hesitate to asked her.

"B-Bakit mo ako pinadukot?" tanong ko at agad na tumayo mula sa pagkakahiga. Ramdam ko ang aura niya na sa tingin ko ay siya iyong tipong tao na hindi mo dapat pagkatiwalaan.

"Kung hindi ako nagkakamali ay nasa Valmoris mansion ka ngayon," she replied. "And you can't escape from this house or room easily. Maraming mga bantay sa labas at isang maling galaw mo lang, dadanak ang dugo mo."

What?! My heart suddenly pounds faster.

Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya ngayon. Para tuloy akong nanghina at ang mga tuhod ko ay nangatog. I'm not in a safe place right now at pugaran ito ng mga masasamang tao. Nagkamali nga ako dahil bukod sa nalaman ko na si Venom ay si Chase, isang babae naman ngayon ang nasa harapan ko na kaya akong tapusin kung gugustuhin niya.

Nang maglakad siya habang nakatingin sa mga pigura at sinubukang hawakan ito ay napansin kong may marka ang kanyang leeg. Isang pananda ito na parte siya ng isang organisasyon. A deadly one!

"What do you want?" I asked again.

"Don't worry, I'm not going to harm you. I heard you're Xavien's girlfriend, right?"

Highschool Detectives ① Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon