Chapter 3

171 2 0
                                    

Third Person POV

Past...

Ito na nga ba ang sinasabi nya.

Agad na dinala sya ng mga pulis para imbestigahan at dahil tikom ang kanyang bibig tungkol sa nakawan ay walang nakuhang impormasyon sa kanya nang ipilit nyang nadamay lang sya at walang kinalaman sa grupo.

Hindi naniwala ang mga iyon at pilit syang pinapaamin hanggang ipasok na nga sya sa loob ng kulungan. Doon ay naranasan nyang maghimas ng rehas. Dahil bagong pasok ay napag trip-an pa sya.

Bugbog ang sumalubong sa kanya.

Mag iisang buwan din sya roon at unti-unti na nga nyang nakakasundo ang mga naroong nakakulong din na kasama nya sa selda. Akala nya ay matatagalan pa bago sya mapalaya pero isang araw ay may biglang nagpiyansa sa kanya kaya agad na nakalabas sya. Nalaman nyang galing sa grupo ang naglabas sa kanya roon.

Si Ambo. May inutusan itong ibang tao na hindi kabilang sa grupo nila para iyon ang magdala ng pang piyansa nya. Mukhang nagpalamig muna ang grupo bago kumilos na ilabas sya mula sa kulungan.

Nang makalaya siya ay agad na isinama ulit sya ng grupo para sa panibagong target nila dahil doon ay
panibagong pera na naman ang nahawakan nya bukod pa sa parte nya sa nakaraang nakawan. Mas malaki iyon pero hindi sya masaya sa ganitong gawain.

Walang kasiguraduhan ang kalayaan at kaligtasan nya sa grupong kanyang sinalihan. Lagi pang may naka ambang panganib. Baka isang araw ay laman na naman sya ng kulungan.

Kaya isang gabi ay naisipan nyang umalis na sa grupo. Alam nyang hindi sya basta-basta makakaalis dahil sa takot din ng grupo na baka may mag traydor sa kanila at magsumbong sa kapulisan.

Kung may aalis man sa grupo ay walang buhay na iyong matatagpuan.

Nasa panganib ang buhay nya kapag nagkataon. Pero desidido na syang iwan ang ganitong klase ng pamumuhay.

Maingat na tinungo nya ang labasan ng lumang warehouse. Ang mga kasamahan nya ay mga nasa loob at nagpapahinga. Kung hindi man ay malamang na nagsusugal at nag iinuman sa kabilang parte.

Sinilip nya ang bukana at pansin nya ang ilang bantay doon na may mga tangan na armas. Kilala naman sya ng mga ito pero malamang na hindi sya payagan lumabas. Maliban na lang kung may permiso ng leader nila. Napamura sya sa isipan.

Hinintay nyang mas lumalim pa ang gabi. Baka sakaling malingat o makatulog ang mga bantay. Doon pa lang sya makakasibat kung sakali.

Nang makatyempo sya ay sa may gilid sya lumabas. May maliit na siwang kasi roon na pwede nyang lusutan nang hindi na dumaraan pa sa gate.

Nagpalinga-linga sya at nang walang makitang tao ay lakas loob na lumabas doon. Pero hindi pa sya nakakalayo nang mapansin nya sila Ambo na papalapit sa kanya. Hindi nya inaasahan na makakasalubong ang mga ito.

Ang sumunod na pangyayari ay halos ik*matay nya.

"Kabago-bago pa lang ang lakas na ng loob tumakas!", ani ng isang boses. Ni hindi nya makuhang ibuka ang mga mata dahil namamaga iyon dahil sa tinamong suntok. Malamang na black eye na iyon.

"Para hindi na 'yan makaulit tumakas siguro mas mabuti kung...", narinig nyang may tinawag ang leader nilang si Ambo. Mabilis na nagsipaglapitan ang mga iyon.

"Damputin nyo 'yan. Dalhin sa bakanteng lote. Tulad ng nakagawian. Alam nyo na ang gagawin d'yan", papalayong yabag ng sapatos ang sunod nyang narinig hanggang sa may bumuhat sa kanya.

Painful Scar (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon