Chapter 31

172 3 0
                                    

Third Person POV

At nang maalala nya ang dahilan ng pag iwas nya rito ay agad na itinulak nya ito palayo sa kanya. Para syang nahimasmasan. Natigil ito sa paghalik at tila nagulat pa sa kanyang ginawa.

Nag iwas sya ng tingin dito. Inayos nya ang suot na damit na bahagyang umangat ang laylayan at nawala sa ayos.

Ano ba 'tong ginawa nila?

Almost making out!

Yes, that's the right word but a wrong one!

Hindi tamang gawin ang ganoong kasensitibong bagay.

Halos sabunutan nya ang sarili nang maisip iyon.

"I haven't seen you in days. Hindi ko napigilan", basag ni Corby sa katahimikan na bumalot sa kanilang dalawa.

Wala sa boses nito ang paghingi ng tawad sa ginawang paghalik bagkus ay nagsasabi lang ito kung bakit nangyari iyon.

She cleared her throat and tried to compose herself. "Bakit mo 'ko pinahatid dito?", imbis ay tanong nya at pinilit binalewala ang tagpong nangyari sa kanila kanina sa kabila ng pagkagulo sa kanyang sistema.

She tries to act as if the kiss didn't happen.

But feeling his body that close to her is something that she can't easily ignored. Lalo pa at naramdaman nya ang pagkalalaki nito sa kanya.

Alam nyang sinadya nitong iparamdam iyon sa kanya. Letting her feel his needs as a man.

Lalake ito at alam nyang may pangangailangan ito na nais mapunan at kung nagpatangay sya ay malamang na higit pa roon ang magagawa nila.

Kayang-kaya nyang ipagkaloob ang sarili rito kung parehas lang sana sila ng nararamdaman pero sa nakikita nya ay hindi naman ganoon. Sya lang ang magiging lugi at talunan sa huli.

Ang tanging palubag loob lang nya kung sakali ay maipagkakaloob nya ang sarili sa taong mahal.

Ito ang unang lalakeng mapag aalayan nya ng sarili. Ang hahayaan nyang makakuha ng kanyang puri...

She can easily give her body to him just to satisfy his needs pero pagkatapos noon...anong naghihintay sa kanya?

Magiging parausan lang ba sya nito?

If only their situation is different.

"Para samahan mo 'kong kumain ngayon", sagot ng binata na ikinaangat ng mata nya rito. Napakunot noo sya.

"Iyon lang?", hindi sya makapaniwala na ang simple lang ng dahilan nito. Akala naman nya ay kung ano na.

Tumango ito. "I also want to take this chance na ma solo ka bago ka bumalik ng ibang bansa", at hinila sya nito patungong kusina.

Napaawang ang labi nya sa nabungaran. Doon ay nakita nyang nakaayos ang lamesa na may pagkain na nakahain. Ang pagkakaayos ay para bang isa iyong dinner date.

Hinatak ni Corby ang upuan at iginiya sya paupo habang ito naman ay umupo sa harapan nya. "Alam kong hindi ako kasama sa paglalaanan mo ng oras during your short vacation here. You'd rather spend most of your time being with your grandpa and Suzette. Kaya ninakaw ko na 'tong pagkakataon na 'to para sa'kin naman ang oras mo kahit sandali lang", patuloy na saad nito.

Actually, wala talaga sa isipan nya iyon. Ni hindi nga sumagi. Hindi rin naman nya akalain na gusto pala nitong makasama sya dahil ang alam nya ay isa lang syang malaking abala rito.

"Nasosolo mo naman ako kapag nasa ibang bansa tayo. Kapag pinupuntahan mo 'ko roon..."

"Pero baka matagalan pa bago maulit 'yon kaya susulitin ko na ngayon", makahulugan nitong wika bago sya inayang kumain.

Painful Scar (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon