Chapter 28

176 3 0
                                    

Wilona

Dahil magkatabi kami ng upuan ay tinabig ko ng aking balikat ang gilid ng kanya sabay ayos ko ng upo. I just heard him sigh. Sumiksik pa ako sa pinaka gilid kahit wala nang mauusugan para lang hindi ako madikit sa kanya.

Pag kami ni lolo ay madalas kaming nasa first class flight. Pinaka mahal nga pero at least with the most comfortable accommodations. Nagagawa kong makahiga ng maayos at may privacy pa.

Minsan naman ay sa business class kung iyon ang available pero pag si Corby ang kasama ko...napapailing na lang ako.

He always gets the premium one katulad nang sinakyan namin noong una kahit pwede naman kaming mag avail ng pricier seat. Hindi ko alam kung bakit ito ang pinipili nya o baka nga sinasadya lang nito. Ang haba pa naman ng byahe namin.

Though, comfortable pa rin naman ang pagkakaupo ko rito but I still much preferred the seat that I used to have. Doon na kasi ako nasanay...

Nang i-serve ng stewardess ang free meal namin ay inaya nya kong kumain pero inirapan ko lang ito. Itinuon ko ang aking mga mata sa maliit na screen na nasa aking harapan kung saan pinapanood ko ang isang foreign movie.

Ito naman ay nagsisimula nang galawin ang pagkain na naroon sa tray. Iba't-ibang pagkain ang nakalagay doon with enough size of serving. Mostly american meal.

Napabaling ako ng tingin dito nang magsalita ito. "Ayaw mo ba? Ibigay mo nalang sa'kin kung hindi mo kakainin. Sayang naman....", sabay subo nito sa piraso ng karne na may halong gulay mula sa kainan nito.

"Anong oras ka ba huling kumain?", hindi ko napigilang itanong kahit ayoko syang kausapin. Paano kasi mukhang gutom na gutom. Lumingon ito sa'kin habang ngumunguya pa. Nilunok muna nito iyon bago ako sinagot.

"Kaninang tanghali", simpleng sagot nito. Agad na napatingin ako sa suot kong relo. Pasado alas nuwebe na ng gabi! Saglit na natigilan ito. "Oh! I remember...I ate a piece of Suman Moron cooked by Yaya Salud paired with coffee as my meryenda kanina bago tayo umalis. That's really good!", komento pa nito.

Nagustuhan kasi iyon ng binata nang minsang matikman nito nang magdala sa library room si Yaya Salud nang maluto iyon. Iyon pala ang ginagawa nila yaya noong kinausap nya ako sa dining area.

Kaya nagpaluto ulit si lolo kay Yaya nang maalalang nagustuhan nga raw ni Corby iyon.

Pero mukhang hindi iyon sasapat dito sa lakas nitong kumain. He has a big appetite! At meryenda pa rin bang matatawag iyon kung halos pagabi na nito kinain?

Ano ba kasi ang pinag gagagawa nito at sa sobrang busy ay kinakalimutan na ang kumain sa tamang oras?!

"Saan ka ba nanggaling kanina bago mo ko sinundo sa mansion?", takang tanong ko.

"San Ildefonso", he simply answered at kinagatan ng malaki ang hawak na sandwich. Ibinaba iyon at binuksan naman ang lagayan ng vegetable salad na nasa bilog na container. Hinalo-halo iyon saka tinikman. Napapatango-tango pa ito na parang sarap na sarap sa kinakain.

"Anong ginawa mo roon?", I asked out of curiosity. Ang layo kaya ng lugar na iyon.

"Naghahanap ng babaeng ayaw magpakita at...may dinalaw sa ospital", sagot nito na patuloy lang sa pagkain.

Hindi ko na tinanong kung sino ang mga iyon. Baka makulitan lang sa akin at malay ko naman sa mga iyon.

Umayos ako ng upo. I look down at my own food tray. I only want the sandwich and dessert. "Sa'yo na 'to...", I said sabay patong sa tray nya ng lagayan ng steak with veggies and even the salad.

Tiningnan nya ko na parang hindi naniniwala. "Sigurado ka?", he's hesitant to get it.

Tumango ako. "Hindi ko naman mauubos lahat", I said at sinimulan na rin ang pagkain then I ignored him again.

Painful Scar (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon