Chapter 93

106 3 0
                                    

Third Person POV

Pinasadahan nya ito ng tingin. Hula nya ay nasa bente hanggang bente dos lang ang edad nito. May itsura naman pero naligaw ng landas dahil pinasok ang ganitong gawain.

Ang pagbebenta ng katawan. Tsk.

Tumaas ang sulok ng labi nya. "Saan naman tayo?", pagsakay nya sa sinasabi nito.

Luminga-linga ito sa paligid na parang may hinahanap. "May motel naman po rito. Kahit doon na lang po..."

Nailagay nya ang dulo ng dila sa gilid ng loob ng kanyang bibig na ikinabukol noon habang nag iisip. Napailing sya. "Doon na lang tayo sa bahay", wika nya na bahagyang ikinatigil nito. "Bakit? Ayaw mo ba?", tanong nya nang hindi ito kumilos. "Kung ayaw mo...madali naman akong kausap."

"Hi-Hindi po. Ah...s-sige po sa b-bahay nyo na lang", napipilitan nitong wika.

Saglit nya pa itong tiningnan saka nya pinaangkas ang babae sa likuran ng kanyang motor matapos nyang ipasuot dito ang dalang extrang helmet.

Nang maisuot na rin nya ang kanya ay saka nya pinasibat ang motor pero bago iyon ay pinayakap nya ito sa kanyang bewang para hindi ito mahulog. No choice, eh. Misyon ang itinungo nya rito at ayaw nyang mauwi iyon sa paghatid sa ospital. Nag aalangan pa nga itong gawin ang sinabi nya kung hindi lang nya napilit.

Habang binabagtas ang daan ay sinimulan nyang kausapin ito. Pang tanggal ilang na rin nito sa kanya. Medyo nilakasan nya ang boses para marinig nito. "Malinis ka bang mag—?", umpisa nya habang tutok ang mga mata sa daan.

"Opo, Sir! Wala naman po akong sakit. Mapili naman po ako sa lalake...", mabilis nitong sagot na nilakasan din ang boses para marinig nya sa kabila ng suot nilang helmet. Ni hindi na sya pinatapos pa nito...

Napangisi naman sya. Mapili sa lalake, ha? So, ibig sabihin ay pasado sya sa panlasa nito kaya pala sya ang nilapitan. "Okay...sabi mo 'yan", simpleng saad na lang nya saka mas binilisan ang paandar ng motor na lumikha ng ingay. Ramdam nya ang paghigpit ng kapit nito sa kanyang bewang.

Hanggang sa makarating na nga sila. Sabay na tinungo nila iyon nang makababa matapos nyang iparada sa isang tabi ang motor.

"Ito na 'yung bahay", wika nya nang matapat sa pintuan. Kinuha nya ang susi sa bulsa na ipinahiram sa kanya saka nya sinusian ang nakasarang pinto.

Pagkabukas ng pintuan ay kinapa nya ang pindutan ng ilaw sa may gilid ng pader hangang sa kumalat ang ilaw sa loob. Pinauna nyang pumasok ang babae bago sya. "Dito lang tayo...", pagkuway wika nya. Pansin nya na nilibot nito ng tingin ang loob ng bahay nang makapasok saka sya nito binalingan. "Sa k-kwarto na lang po tayo", saad nito na may hiya sa boses.

"Anong sa kwarto?"

"Doon na lang po natin gawin kesa rito sa sala para may privacy po tayo", sagot nito.

"Privacy? Para saan?", kunot noong tanong nya kahit alam naman nya ang ibig nitong sabihin.

"Ano po...sa pag kuwan po. Basta, alam nyo na po 'yon. G-Gagalingan ko naman po para masulit ang bayad nyo..."

Nagpakawala sya ng tawa sa sinabi nito. Hindi na kasi nya mapigilan.

"Bakit po?", she's confused.

Napailing sya at pigil ang sariling matawa ulit. "Alam mo ba talaga ang gagawin mo?", paniyak nya na tinanguhan naman nito.

"Opo...makikipag a-ano po sa inyo", muli ay nagpakawala sya ng tawa.

D*mn!

Kahit may itsura ito ay wala naman syang balak na galawin ito. He's done with this kind of thing.

Painful Scar (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon