Chapter 82

132 2 0
                                    

Third Person POV

Corby is wearing a blue bathrobe after taking a quick shower. Tanging iyon lang ang tumatakip sa kanyang hubad na katawan nang lumabas ng banyo habang kinukuskos ng bimpo ang basang buhok.

Kinuha nya ang phone na nasa side table at muli ring inilapag doon nang makitang wala namang naka register na bagong messages o missed calls. Pinagpatuloy nya ang pagtuyo ng buhok at pagkatapos ay nahiga sa kama ng pahalang habang nakatitig sa kisame.

Alas onse na ng gabi at kararating lang nya sa tinutuluyan nyang condotel matapos manggaling kila Dianne nang inihatid nya ito kanina. Saglit lang dapat sya roon pero nang makita sya ng ama nito na si Ysmael Saavedra nang ipakilala sya ng babae rito ay agad na inimbitahan syang doon na maghapunan bilang pasasalamat na rin sa ginawa nyang pagtulong sa unica hija nito nang mabalitaan nga nito ang nangyari sa anak.

Kasalukuyan kasing wala ito sa bansa nang gabing iyon na kamuntikan na ang anak nito dahil kababalik lang pala nito sa bansa mula sa isang business conference na dinaluhan.

Ngayon lang siya nito naimbitahan dahil ngayon lang din naman nya naihatid si Dianne na saktong nandirito rin sa mansion ang ama. Pinaunlakan naman nya ito bilang respeto.

Akala nya pagkatapos nilang kumain ay makakauwi na rin sya pero inaya naman sya ng matanda na uminom ng kaunti. He got a few shot of drinks while talking to Dianne's father. They talked random things but mostly about business dahil negosyante rin itong katulad nya.

Saavedra owns a shipping line company. They do local and international shipping! Transferring goods or any products from here and out of the country.

Kung yaman ang pag uusapan ay may ibubuga rin naman ang pamilyang pinagmulan ni Dianne pero hindi kasing yaman ng mga Alvero.

When it comes to business...naririnig na nya noon pa ang pangalang Ysmael Saavedra pero hindi nya akalain na personal na makikilala nya iyon nang dahil sa nag iisang anak nitong si Dianne Nicole Saavedra.

Nang matapos sa pakikipag usap at inuman ay nagpaalam na rin sya para umuwi. Hindi sya pwedeng uminom ng marami at maglasing dahil sa magmamaneho pa sya pauwi. Si Dianne ay inihatid pa sya hanggang sa makalabas ang kotse nya sa mansion ng mga ito.

Huminga sya ng malalim. Hindi nya akalain na magtatagpo ang landas nila ng anak nito sa hindi inaasahang pangyayari. Sa ganitong kaiksing panahon simula nang makilala nya si Dianne ay masasabi nya na mabilis na nakapalagayan sya ng loob nito.

Pansin nya na nagiging malapit na rin ito sa kanya. It's too early to tell pero ramdam nyang may gusto sa kanya si Dianne. Hindi man nito tahasang sabihin ay alam nya iyon base na rin sa ikinikilos nito sa tuwing kasama sya.

Pero hindi naman sya nito ginagawang pang rebound. She isn't using him para lang malimutan ang g*gong ex-boyfriend nito.

Dianne is also too trusting.

Siguro dahil alam nitong mapagkakatiwalaan sya bukod pa sa iniligtas nya ito mula sa kapahamakan na kamuntikan na nitong sapitin. Kaya siguro ganoon na lang din kabilis na nahulog ang loob nito sa kanya.

He hates comparing pero may pagkakataon na napagkukumpara nya ito at si Wilona. Bukod sa parehong nagmula sa mayamang pamilya ay pareho pang unica hija at magka edad rin ang mga ito na ikinamangha nya.

What a coincidence, eh?!

Pareho ring maganda ang dalawa pero mas angat nga lang para sa kanya ang kay Wilona.

His princess beauty is incomparable!

One of a kind and it's so rare to have that beauty. Iyong habang tinititigan ay mas lalo pang gumaganda. Hindi rin nakaka sawang tingnan. A real head turner!

Painful Scar (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon