Chapter 10

176 3 0
                                    

Wilona

Nasa isang mall ako ngayon.

Katatapos lang ng huling subject namin ngayong hapon at dahil maaga pa naman para umuwi agad ay naisipan kong dumaan muna sa mall para mamasyal.

Tinawagan ko si lolo kanina para ipaalam baka kasi magtaka iyon na late akong umuwi. Kahit na alam kong papayagan naman nya ako dahil kasama ko naman ang binata.

Palihim na nilingon ko iyon. Nakasunod sa akin si Corby at ang tatlo pa. Yung dalawa ay naiwan sa parking lot. Pinaiwan na nito para hindi kami takaw atensyon.

Buti naman at alam nya.

Lumiko ako at nang makakita ng isang boutique ay pumasok ako. I need to buy new dress. Naalala kong inaya nga pala ako ni Suzette na magpunta raw kami sa isang high class bar this coming weekend.

Dahil patapos na ang second sem namin at magbabakasyon na ay i-treat naman daw namin ang sarili sa pagiging masipag sa pag aaral.

Natawa ako nang sabihin nya iyon dahil sa aming dalawa ay mas ito ang tamad humawak ng libro.

Suzette is the only close friend I have since I entered college. Ito lang ang nakasundo ko bukod sa parehas kami ng kinukuhang kurso. Ang iba kasi ay nakikipaglapit lang sa akin kapag nalaman kung gaano kayaman ang pamilya ko but Suzette is different.

She also came from a wealthy family but not as wealthy if compared to my family. Pero hindi nya ako kinaibigan dahil sa pera. Ni hindi nga nya alam noong una na apo pala ako ni Lucio Alvero.

She's humble and wants to maintain a low profile.

Parehas kami sa ganoong bagay kaya mabilis kaming nagkakasundo. We just want to live simply.

Away from the influence of money!

Hindi iyong para kaming may price tag. Kapag alam na mayaman ay saka lang kami pakikitunguhan ng maayos o kakaibiganin.

Kahit na ang school na pinapasukan namin ay kilala sa pagkakaroon ng mayayamang estudyante na nagmula talaga sa mapeperang pamilya o mayamang angkan ay pinili naming dalawa ni Suzette na maging ordinaryo lang. Kahit hindi madali...

Kaya nga ayoko ng may mga nakasunod sa aking bodyguard. Feeling ko dinaig ko pa ang anak ng presidente kung bantayan nila.

Kaya kapag nasa school na 'ko ay sinasabihan ko ang mga bodyguard na huwag magpahalata na ako ang binabantayan nila.

Actually, hindi naman na bago ang pagkakaroon ng bodyguard sa school namin. Katunayan ay marami kaming estudyante na may mga sariling bodyguard. Ang kaibahan nga lang, sila ay isa lang ang sumusunod pero ang sa akin...higit pa sa isa!

Inaasar na nga ako minsan ni Suzette dahil sa mga iyon. Pinagkikibit -balikat ko na lang.

Itinaas ko ang isang dress at sinipat-sipat. Kulay beige iyon at maiksi ang tabas. Plunging ang neckline. Too revealing for me kaya binalik ko sa lagayan.

Naghanap pa ko ng iba. Ang sumunod na hinawakan ko ay kulay red. Medyo makinang sa mata. Maiksi rin ang dress at pa v-style naman ang neckline. Hindi ko nagustuhan kaya binalik ko ulit.

Sa pagpihit ko para tunguhin ang kabilang lagayan ay napatama ako sa isang matigas na bagay.

"Sorry", hinging paumanhin ni Corby. Sa malapad na dibdib lang naman nya tumama ang noo ko. Hindi ko napansin na ganito pala sya kalapit sa'kin.

Tiningala ko ito nang haplusin nya ang nasaktan kong noo. Maigi pa nitong tiningnan iyon. Checking if I really didn't get hurt. Ang dampi ng kanyang kamay sa aking balat ay may init na kasama.

Painful Scar (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon