Chapter 11

154 3 0
                                    

Third Person POV

It's Friday night at naghahanda na ako para sa pupuntahan naming bar ni Suzette.

I wore the dress that I bought recently. Okay...ni Corby pala.

It's a color black silk dress na umabot ang haba hanggang kalahati ng aking hita. Pa puff ang long sleeves na may nakapalibot na lace sa may wrist  ganoon din sa laylayan ng dress ko.

Square style ang neckline kaya hindi masyadong revealing. Only part of my legs are showing.

Umikot ako sa harap ng salamin. Medyo fitted ang dress kaya kita ang hubog ng katawan ko but that's okay, kumportable pa rin namang suotin.

Inayos ko ang buhok ko na kinulot lang gamit ang curler. Hanggang balikat ko ang haba at hinayaang nakalugay. Natural light brown iyon na bumagay sa kulay ng maputi kong balat na namana ko kay Mommy.

I only wore light make-up but I make sure na litaw ang kagandahan ng mga mata ko sa kulay. My lips is in color red but not too thick. 

Napangiti ako nang masiyahan sa reflection ko sa salamin. I opened one of the drawers in my vanity table at naghagilap ng jewelries.

Kumuha ako ng kwintas na may heart pendant, pares ng hikaw na heart din ang design and a gold bracelet.

I grab may designer sling bag next after wearing a pair of black stilleto heel and I'm ready to go pero napabalik ako nang may maalala.

I get one of my branded perfumes and sprayed it on the back of my ears and on my both wrist.

I went out of my room at nagpahatid na sa sa bar na napag usapan namin somewhere in Quezon City. 

I already told my grandpa about this days ago that I'm going out tonight with Suzette. Pumayag naman ito because I said that I'll bring the bodyguards with me.

Isang driver at dalawang bodyguard lang ang kasama ko. Good thing at wala si Corby dahil magkasama ito at si lolo dahil may event na gaganapin ngayon sa casino.

Naglakad ako ng kaunti hanggang sa makarating sa tapat ng Hilaire Bar. Agad na kinawayan ako ni Suzette nang makita ako.

Nakatayo ito sa labas malapit sa entrance ng bar habang katabi si Lilian at ang boyfriend nitong si Riley but I didn't expect na nandito rin sila James at Nick.

Ang tatlong nauna ay mga classmates ko habang ang dalawang huling nabanggit ay mga kabarkada naman ni Riley na mula sa ibang course.

Ang alam ko ay si Lilian lang ang inaya ni Suzette para raw tatlo na kami. But I think Lilian asked her boyfriend to come with her kaya nandito rin iyon at malamang na inaya naman ni Riley ang dalawa pang kaibigan.

Kung alam ko lang na may iba pa pala kaming kasama ay hindi na sana ako pumunta pa rito.

Actually, I'm not comfortable hanging with the boys. Lalo at nasa bar pa kami. Pero dahil nandito na rin naman ako kaya go na lang.

May mga bodyguard naman akong kasama at alam kong nakamasid at bantay iyon sa akin kung saan man pumwesto ang mga iyon.

Agad na binati ko sila nang makalapit ako and they greeted me back too.

"You look good", ani Suzette na ngiting-ngiti.

"Ikaw din", bati ko pabalik. She's also wearing a dress but in brown color. Kumpara sa akin ay mas confident itong magpakita ng skin in public. Showing cleavage is nothing to her. Mas sexy nga raw tingnan.

"Ikaw lang mag isa?", usisa ni Lilian.

"I'm with my driver", maikling sagot ko. My classmates didn't noticed my bodyguards dahil sinadya kong magpababa kung saan hindi nila makikita ang mga iyon.

Painful Scar (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon