Chapter 50

199 6 0
                                    

Wilona

Pailalim at pasimpleng sinulyapan ko si Corby na nasa aking harapan. Kanina pa kasi sya tahimik. Mabilis na ibinalik ko ang aking pansin sa kinakain na Ice Cream nang makitang nakatingin din sya sa akin.

Sh*t!

Biglang napaayos tuloy ako ng pagkaka upo sa pang isahang upuan. I felt uneasy with the way he stares at me...

Mukhang kanina pa nya 'ko pinapanood sa pagkain nitong binili nyang Ice Cream. Kumutsara na lang ulit ako sa kinakain at isinubo iyon until it slowly melts inside my mouth.

This Gabi Keso flavor is really good...

Narinig ko ang pagtikhim nito pero hindi ako nag angat ng tingin. I know what it means...

I focus my attention on eating instead.

Yesterday, when he told me to take a rest ay nag diretso na pala ang tulog ko. I got a long hours of sleep kaya maaga akong nagising ngayong umaga.

Sabay kaming nag almusal kanina dahil pagka gising ko ay nakapag prito na ito ng para sa almusal namin. Kahit maaga akong nagising ay mas maaga pa rin itong bumangon. Hindi ko nga namalayan kung anong oras ito tumabi sa'kin kagabi.

After naming mag breakfast ay nandito naman kami sa sala while having our dessert pero ako lang naman ang kumakain dahil hindi naman nito nilagyan ng Ice Cream ang sariling baso.

He's just looking at me while waiting for me to finish eating this. Pero sinasadya kong bagalan ang pagkain dahil sabi nito pagtapos ko ay mag uusap na kami tungkol sa nangyaring insidente kahapon.

Kagabi pa nga dapat nya ako kakausapin pero pag akyat nga raw kasi nito sa silid ay tulog pa 'ko kaya hinayaan na lang nito. But now...

Mukhang wala akong kawala sa kanya. Nararamdaman kong sermon ang aabutin ko nito sa kanya. Tsk.

Kinakabahan tuloy ako...

I bit my lower lips when I heard his heavy sigh. Naiinip na ito panigurado.

Muli akong sumubo ng Ice Cream. Kung pwede nga lang sana na huwag nang maubos itong kinakain ko para lang makaiwas sa pag uusap namin.

But that's impossible!

Muli akong nag angat ng tingin sa kanya. He's still looking at me habang naka dekwatro ng pagkaka upo at ang isang braso ay naka lahad sa ibabaw ng sandalan ng pang tatluhang upuan na para bang may kaakbayan doon.

Sabay na itinaas nito ang mga kilay na parang sinasabi sa paraan ng pagkaka tingin sa akin na kailangan na naming mag usap. I sighed.

But I'm not yet ready...

I just ignore him.

Nang makita kong tunaw na ang natira sa aking baso at akmang hihilahin ko ang isang gallon na lagayan ng Ice Cream para kumuha ulit ay mabilis na inilayo nito iyon sa akin na ikina angat ng mga mata ko sa binata.

"Enough!", may pagtitimpi nitong wika. "Naka tatlong kuha ka na...", paalala nito sa'kin.

Well, balak ko pa nga sanang mag pang apat...lima...anim...pito...walo...o higit pa nga para lang maiwasan ito kung sakali.

Binaba ko ang baso at sumandal sa upuan nang makita ang kaseryosohan sa anyo nito. Hindi ko pwedeng isatinig ang naisip ko dahil siguradong magpapanting na ang tenga ng isang 'to. Nag iwas na lang ako ng tingin sa kanya.

"Balak mo bang ubusin lahat ng laman nito bago mo 'ko kausapin?", dagdag nito.

Sana...but I held myself to voice it out.

Painful Scar (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon