Chapter 52

178 4 0
                                    

Third Person POV

"I'll let you learn how to pull a trigger...", sagot ni Corby at kinalas ang suot na seatbelt bago bumaba ng kotse.

Umikot sya at pinag buksan ang dalaga na natitigilan pa rin.

"You mean...g-gun?", takang tanong nito nang makahupa.

Tumango sya bilang sagot saka kinalas ang seatbet nito at inalalayan ang dalaga na makababa.

"What for?"

He locked the car first before answering her.

"For your protection", simpleng sagot nya at hinawakan ang kamay nito. Naglakad sila hanggang makapasok sa loob ng malaking shooting range.

"Good morning, Sir Vermont!", masiglang bati ng security guard na nasa entrance. Tinanguan naman ito ni Corby at tinapik ang balikat bilang pagbati rin pabalik.

Ang ilang mga nakakasalubong nila ay bumati rin sa binata na tinatanguan lang din nito. Mukhang madalas si Corby sa lugar na ito dahil halos kilala ito ng mga tao rito, isip ni Wilona habang hawak-hawak pa rin ng binata.

Ginalaw ng dalaga ang kamay nyang hawak ni Corby na ikinalingon naman nito sa kanya. Saglit silang tumigil sa paglalakad.

"Bakit?"

Bahagyang lumapit ang dalaga kay Corby. "Ikaw ba ang may ari nito? Kasi ang daming bumabati sa'yo...", Wilona curiously asked him in a whisper.

"Nope. One of my friends own this. Madalas lang ako magpunta rito kaya halos kilala na ako ng lahat", saad ni Corby na ikinatango ng dalaga at nagpatuloy sila sa paglalakad.

Nagpalinga-linga si Wilona sa paligid habang kasunod ng binata. Puro mga may kinalaman sa baril ang mga nakadisplay sa pader.

Nang lumiko sila sa kabilang pasilyo ay kita ng dalaga sa glass window ang mga naroon sa loob ng firing range. Nakasara ang mga pinto kaya hindi dinig ang nakakagulat na putok ng baril na nakaumang sa naroong body target.

Tama nga si Corby. Puro mga lalake ang parokyano sa lugar na ito. Bihira lang ang babae na nakakasalubong nila.

Hanggang sa pihitin ni Corby ang isang pinto roon. Pumasok sila. Agad na sinalubong sila ng isang lalake na na naka uniform na kulay black tanda na rito nagtatrabaho iyon.

"Sir!", bati nito nang makalapit at nang makita sya ay tinanguan lang sya nito ng may ngiti sa mukha

"Si Dex?", tanong ni Corby sa kaharap.

"Nasa kabilang field, Sir. May inaasikaso lang na bagong dating."

Tinanguan iyon ni Corby. "Naayos mo mo na?"

"Yes, Sir. Kakapalit ko lang ngayon ng bagong target board. Naka ready na rin 'yan, Sir...", sabay turo nito sa naroong mga nakahilera na shooting board na hugis tao.

"Ihanda mo na 'yung gagamitin ko, Lex.", utos nito sa lalake.

"Iyong sa inyo lang ba o kukuha rin ng para kay Ma'am?", tukoy nito sa kanya.

"Iyong sa'kin lang. Ako mismo ang mag ga-guide sa kanya", sagot ni Corby dito.

Agad na lumabas iyon para kunin ang sinasabi ng binata at nang mawala iyon sa kanilang paningin ay hinila sya ni Corby sa naroong upuan.

Sya lang ang naupo dahil nanatiling nakatayo ang binata habang nililibot ng tingin ang firing range.

Sabay silang napalingon sa pinto nang muling bumukas iyon at pumasok ang isang lalake.

"Dex!", tawag dito ni Corby.

"Sir Vermont!", masaya nitong bati sa binata.

Napakunot noo naman si Wilona. Mula sa pagkakatingin sa lalake ay bumaling ang tingin nya kay Corby.

Painful Scar (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon