Chapter 48

171 4 1
                                    

Third Person POV

Dapat talaga iniwasan na lang nya 'yung suntok ni Max. Kayang-kaya naman nyang salagin iyon kung tutuusin.

Kung hindi lang nya inaalala ang bilin sa kanya ng Daddy nito ay malamang na nakipag suntukan na sya rito.

Matira matibay!

Napailing na lang sya.

Ramdam nya pa ang patama nito sa kanyang sikmura at pisngi.

T*ngina! Ang lakas din maka suntok ng h*yup.

Iba talaga kapag tinamaan ng selos.

Beast mode agad!

Lihim syang napa ngisi sa kabila ng pamumutok ng kanyang labi dahil sa pagkakasuntok sa kanya ng anak ni Abe.

Ginusot pa nito pati kwelyo ng kanyang suot. Nadumihan pa nga. Tsk. Bagong bili pa naman ang polo shirt nya. Mahal din kaya ang bili nya sa damit dahil sa branded iyon.

"Napaano ka nga?"

"Nasubsob lang", simpleng sagot nya nang muling marinig ang pag uusisa ng dalaga na ikinaputol ng kanyang iniisip.

Humarang ito sa daraanan kaya napatigil sya sa paglakad.

"Nasubsob? Saan naman?", ang kulit talaga, isip nya. Pero kita nya ang pag aalala sa anyo ng dalaga.

"Dyan lang...", simpleng sagot nya rito. Ayaw nyang banggitin pa rito ang tungkol kay Max at Vivien dahil wala naman itong kinalaman sa dalawa.

"Anong dyan lang? Ang t*nga mo naman para masubsob sa laki mong 'yan...", halatang hindi ito naniniwala. Nasabihan pa tuloy sya ng t*nga. "Eh, mukhang kamao ang tumama riyan kaya pumutok. Nakipag suntukan ka na naman, no?", hula nito.

Napailing sya at imbes na sagutin ito ay hinila nya ang braso at sabay na tinungo nila ang kusina.

Pinaupo nya ito at inilapag sa lamesang kaharap ang ilang plastic ng biniling mga prutas.

Agad na tiningnan iyon ng dalaga. "Wow! Bumili ka ng prutas?!", parang biglang nalimutan nito ang pag uusisa sa kanya.

She loves fruits kaya ganyan ka excited. Akala mo naman hindi nakakakain.

Kanina kasi ay sinamahan nya si Vivien na bumili ng prutas kaya napabili na rin sya para hindi sya mahalata na sinusundan nya ito.

"Hindi pa ba obvious?"

"Pero napaano ka nga muna?", balik tanong na naman nito sa kanya. "Kanino ka nakipag basagan ng mukha?"

"Wala nga..."

Tumaas ang isang kilay nito at pinakatitigan sya pero sa huli ay walang sinabi. Tumayo ito at may kung anong hinagilap hanggang sa makita nito ang medicine kit nya.

Hinila sya nito at pinaupo sa silya. He silently groaned nang maka upo sya dahil ramdam nya ang bahagyang pananakit ng kanyang likuran nang tumama iyon sa kotse kanina.

T*ngina kasi nitong si Max!

Iniangat ng dalaga ang kanyang mukha at sinipat-sipat. Nang matiyak nito na sa gilid lang ng labi nya ang may sugat ay tahimik na sinimulan nito ang pag gamot doon. Kumuha ito ng bulak, alcohol at betadine sa lagayan.

Hinapit naman nya ang bewang nito palapit sa kanya at pilit na pinaupo ang dalaga sa kanyang kaliwang hita.

Sa ganitong ayos ay kaunti lang ang pagitan ng kanilang mga mukha. Mas napagmasdan nya rin ang kagandahan nito. Ang isang braso naman nya ay ipinulupot nya sa maliit nitong bewang bilang pang suporta sa dalaga.

Painful Scar (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon