Chapter 40

156 3 0
                                    

Third Person POV

"Where is she?", agad na bungad na tanong ni Corby nang makarating sa mansion nila Suzette.

Nakatanggap kasi sya ng hindi inaasahang tawag mula sa kaibigan ni Wilona at sya ang unang naisip nitong tawagan upang sunduin ang dalaga rito.

"Nasa bar area namin", sagot nito at iginiya sya papasok sa mansion kung nasaan iyon.

Ayon kay Suzette ay hindi raw kasi nito maawat ang kaibigan na kanina pa walang tigil sa pag inom. Lasing na lasing na nga raw at hindi rin naman daw ito mapilit mapauwi ng mga bodyguards nito.

Kaya napagpasyahan ni Suzette na sya na lang ang tawagan baka raw maawat na nya si Wilona at para maiuwi na rin.

Tinanong nya si Suzette kung may okasyon ba kaya nandirito ang dalaga pero inilingan lang sya nito at sinabing bigla na lang daw pumunta rito ang kaibigan na may dalang ilang bote ng alak na binili nito sa nadaanang liquor shop at nag aya ng inuman.

He asked her if she knows the reason why. Natigilan ito at napakagat sa ibabang labi. Nag iwas din ito ng tingin sa kanya.

"Ahmm...mas mabuti siguro kung sya na lang po ang tanungin ninyo kapag okay na po sya", tanging sagot nito na tila umiiwas saka nito binuksan ang pinto papasok ng bar area nang marating nila iyon.

Doon ay bumungad sa kanya ang dalaga na nakayupyop sa naroong bar counter habang sa kamay ay hawak pa ang isang baso na halos wala nang laman.

Mukhang nakatulog na rin ito sa kalasingan. He sighed and walks towards her.

Inalis nya ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha nito. Nakapikit ito at halata ang pamumula ng mukha dahil sa nainom. Napailing sya.

Nang sulyapan nya si Suzette ay nakatingin lang din ito sa dalaga ngunit may awa syang nakikita sa mga mata nito para sa kaibigan.

"Wilona", subok nyang gising sa dalaga at bahagyang tinapik-tapik pa ang malambot nitong pisngi pero umungot lang ito.

Akmang bubuhatin nya ito nang pumiglas ito sa kanyang pagkaka hawak. Muntikan pa nga itong mahulog sa kinauupuan kung hindi lang nya naagapan. Umayos ang dalaga sa pagkakaupo habang nakayupyop pa rin ang ulo sa bar counter table.

Mas naaninag nya ang pamumula ng mukha nito nang matapat iyon sa hanging lights. Muli nya itong tinawag pero mukhang bumalik lang ito sa pagkakatulog.

"Ah...pwedeng dito na lang po sya m-matulog kung ayaw talaga nya", saad ni Suzette na parang inihihingi nito ng permiso ang kaibigan sa kanya na rito na sa mansion ng mga ito mag palipas ng gabi si Wilona.

"No. Iuuwi ko sya...", desididong wika nya at pinilit buhatin si Wilona mula sa kinauupuan. Pinilit nitong idilat ang namumungay na mga mata upang sinuhin sya. Ilang beses pang pumikit-pikit ito hanggang sa maaninaw sya.

"C-Corby...?", anas nito.

"We're going home...", he said at inayos ang pagkakabuhat nya sa dalaga sa kanyang mga braso. Nang marinig iyon ay biglang nagpumiglas ito at pilit inaabot ang bote ng alak.

Inawat nya ito pero nagpatuloy pa rin sa pagpiglas. Kung hindi ito titigil ay baka mabitawan nya. He silently cursed nang hindi sinasadyang natamaan ng braso nito ang gilid ng kanyang mukha.

"I said no!", muling saway nya gamit na ang tono na alam nyang ikatitigil na nito. Tumigil naman ito at napayuko.

"Y-You shouldn't be h-here...", rinig nyang usal nito sa lasing na boses bago ibinagsak ang ulo sa kanyang dibdib at muling pumikit. Binalewala nya ang sinabi nito at nagsimulang maglakad palabas ng bar area habang nakasunod naman sa kanila si Suzette.

Painful Scar (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon