Chapter 5

186 2 0
                                    

Third Person POV


Present...

Patungo si Wilona sa building kung saan namamalagi ngayon si Corby. Kasama nya ang dalawang bodyguard at driver na syang nagmamaneho ng kanyang sasakyan. She needs to take them dahil iyon ang gusto ng kanyang lolo.

Nang sabihin nga nya kanina sa kanyang lolo na may bibilhin lang sya sa mall for her school use ay hindi ito agad pumayag. Sinabi nitong baka nagdadahilan lang sya at tatakasan lang ulit ito. Kung ganoon nga ang gagawin nya ay hindi na sya magpa paalam dito. Aalis na lang sya ng basta.

May tatakas bang nagpapaalam pa?

Sa totoo naman na may bibilhin syang materials. Magtitingin na rin sya ng mga libro na may kinalaman sa kanilang research.

Pinabulaanan nya ang hula nito at nang magpumilit syang ayaw nyang may kasamang bodyguards ay nagmatigas ito. Hindi na rin daw sya papayagan nitong lumabas kahit magsama pa sya ng bodyguards.

What?!

Hindi makapaniwalang tiningnan nya ang abuelo. Sa edad nitong mahigit sikwenta ay mukhang mas lalo pa itong tumandang tingnan dahil sa kunsumi sa kanya.

But honestly speaking...

She loves her grandfather so much kahit madalas na nagpapasaway sya.

"Lolo naman...", apila nya. Inayos nito ang salamin sa mata at tiningnan sya.

"Obey me o ipapadala kita sa Daddy mo pabalik ng Las Vegas?"

Napairap sya sa hangin.

Ito na naman po sila...

Simula nang maghiwalay ang mga magulang nya at nagkaroon ng sari-sariling pamilya ay naiwan sya sa pangangalaga ng Lolo Lucio nya.

Alam nitong ayaw nya mag stay kasama ang Daddy nya sa bansang iyon, kaya iyon palagi ang panakot nito sa kanya na alam naman nyang kayang-kaya nitong gawin.

Napabuntong hininga sya.

Well, kasalanan din naman nya kung bakit lalo itong naghihigpit sa kanya.

Nang ibalik nga sya ni Corby sa mansion mula sa pagtakas nya, may isang buwan na ang nakakalipas ay agad na sinermunan sya ng kanyang lolo. Inabala pa raw nya ang binata. Ito pa nga mismo ang humingi ng dispensa kay Corby para sa kanya.

Pagkatapos noon ay nagpunta ang dalawa sa library. Tingin nya ay may pag uusapan ang mga ito na importante base na rin sa nakikita nyang kaseryosohan ng binata.

Pansin nyang may laman din ang mga titig nito sa kanya. Hindi nga lang nya sigurado kung ano iyon.

Hindi kaya may kinalaman iyon sa sinabi nya? Kung bakit pinadagdagan ng lolo nya ang kanyang bodyguards?

Kahit kasi siya ay naguguluhan kung bakit biglang pinaghigpitan sya ng lolo at may dagdag pa ang taga bantay nya. Anong dahilan?

May banta ba sa kaligtasan nya...nila?

"Now, go back to your room...", rinig nyang utos ng lolo nya.

"But I really need to buy those materials, lo", pamimilit nya.

"Okay. Give me the list then at ipag uutos ko na lang", sagot ng matanda na ikinatigil nya.

Umisip sya ng paraan para mapa payag ito.

"Magpapasama na lang ako kay Corby", mabilis nyang wika na para bang magic word iyon sa tenga ng kanyang lolo.

Pero inilingan sya nito. "At talagang aabalahin mo pa iyong tao? Mr. Vermont is a busy man, Wilona", may diin na paintindi nito sa kanya. "And don't call him just by his name. Have some respect on him", dagdag pa nito.

Painful Scar (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon