Chapter 22

157 4 0
                                    

Third Person POV

Ilang araw ang nakalipas pagkatapos magkasakit ni Wilona ay nakapasok na ulit sya sa school.

Kwinento naman nya kay Suzette ang nangyari sa kanya nang magtanong ito dahil hinanap daw sya rito ni Corby noong nakaraan.

Nagulat ito sa narinig nang sinabi nyang iniwan sya nito.

"Di ba umulan nang araw na 'yon? Ang lakas kaya...", si Suzette na hindi pa rin makapaniwala.

Napatango-tango sya. "Kaya nga absent ako dahil nagkasakit ako, di ba?"

Napanguso ito. "Hindi ko akalain na magagawa nya 'yon sa'yo. Like hello? Si Wilona Alvero ka kaya, ang nag iisang taga pagmana lang naman ng Casino Alvero!"

She sighed.

Kung sya lang naman ang tatanungin ay ayaw nyang laging ikinakabit sa kanyang pangalan ang casino business nila.

She wanted people to know her for being herself and for who will she become in the future. Not just because she is an Alvero that came from a wealthy family that owns branches of casino from in and out of country.

Para bang dahil lang doon kaya sya kinikilala at pinakikisamahan ng mabuti.

Paano kung hindi sya isang Alvero? Hindi apo ng isang kilalang casino owner? Hindi rin mayaman at tagapag mana?

Will people still treat her good?

She doubt!

Life is unfair and she's aware of that.

You will be treated differently and respected according to who you are in this society. If you don't have the money and power...you're just nothing!

And that's the bitter taste of reality...

Pinagkibit-balikat na lang nya ang sinabi ni Suzette dahil walang pakialam si Corby kahit apo pa sya ng casino owner na ka-business deal nito.

For him...she is just a kid that needs supervision!

Binalik na lang nya ang pansin sa pagsusulat ng notes para makahabol sya sa nakaraang lectures na namissed nya kesa abalahin ang sariling isipin ang binata.

***

She got busy with her school works the following weeks. Doon nya ibinuhos ang attention para hindi maisip si Corby.

Naiinis pa rin sya kapag naaalala na basta na lang syang iniwan nito sa vacant lot. Napaka ungentleman...

She felt so helpless that day!

Drained phone, no available money in her pocket, no one to ask for help...

And no umbrella!

Akala nya ay sa waiting shed na talaga sya magpapalipas ng magdamag hanggang sa tumila ang malakas na ulan.

Pero di nya inaasahan na babalikan sya nito.

Dalawa lang ang naisip nyang pwedeng dahilan.

Iniutos ng kanyang lolo kaya napilitan ito o di kaya ay sobrang na guilty ang binata sa ginawa.

Mas lamang nga lang para sa kanya ang unang nabanggit dahil alam nyang may pinapangalagaan itong ugnayan. Ang pangalawa ay naramdaman na lang siguro ni Corby nang bumuhos ang ulan at nalaman nito na hindi pa sya nakakauwi ng mansion.

Ayaw nyang isipin na may pag aalala rito. Hindi kasi bagay sa magaspang nitong ugali.

Pagkatapos ng huling klase nya ay naglalakad na sya papuntang parking space nang makasalubong nya si Kelvin. As usual, naroon na naman ang ngiti sa labi nito nang makita sya.

Painful Scar (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon