Chapter 97

102 3 2
                                    

Wilona

Direct flight ang kinuha ko pauwi ng Pinas para maaga akong makarating kahit papaano dahil kung connecting flight pa ay mahigit dalawang oras pa ang itatagal ko sa eroplano.

That's too tiring for me!

Ilang oras na lang ang bibilangin ay halos isang buong araw na akong nasa ere.

I would rather pay more to save that two hours para sa pagbyahe ko na lang pauwi ng mansion. Since getting a pricier plane ticket is not really a big issue for me, kung comfortability ko naman sa pagbyahe ang pag uusapan.

I arrived at our mansion around past five in the afternoon. Halos mag aala sais na nga ng gabi dahil sa sobrang traffic ng dinaanan namin mula airport pauwi rito sa amin. This is not really new to me. Rush hour na kasi ang ganitong oras kaya natagalan sa daan.

I only booked a car to drive me back home. I didn't bother to call my Yaya Salud to send someone fo fetch me at the airport. I'd like to surprise her too. I'm sure magugulat iyon sa pagdating ko.

Pagkabayad ay bumaba na rin ako nang marating ang tapat ng gate namin. Nagpasalamat ako sa driver nang maibaba nito sa aking gilid ang dala kong maleta. Isa lang ang dinala ko dahil hindi naman ako magtatagal dito sa bansa. Just a week or two. It depends...

Nang makaalis ang sinakyan ko ay naglakad na ako habang hila ang aking maleta pero bago pa 'ko makapag door bell ay agad na bumukas ang gate namin at binati ako ng aming security guard na gulat na gulat nang makita ako.

Katulad noon kapag walang pasabi akong uuwi ay ganito palagi ang reaksyon nila. Parang mga namamalikmata. Binati ko rin ito nang makapasok na 'ko sa loob. Nagmamadaling nilapitan naman ako ng isa sa mga bodyguard ko nang makita ako. He greet me and carry my suitcase for me.

Pumasok ako sa aming malaking pintuan at isang katulong ang bumungad agad sa akin at magalang na bumati. Agad na hinanap ko rito si Yaya Salud na tinawag naman nito.

Ang isa pang katulong namin ay malugod din akong binati na nginitian ko naman bago nito kinuha sa bodyguard ang maleta ko.

"Iaakyat ko na po, ma'am", tukoy nito sa maletang hawak.

"Yes, please...thank you, Isay", tumango iyon at nginitian ako bago umakyat ng aking silid.

Nilibot ko ang mga mata sa living area namin habang hinihintay si Yaya ko. Wala naman masyadong nabago rito. Iyon pa rin naman ang mga nakasanayan kong kagamitan na nakikita rito sa sala.

Iniba lang ang pagkakapwesto ng mga iyon kaya parang bago sa mata kung titingnan. Mga bagong linis din kasi dahil sa makintab.

"Ginulat mo na naman kami. Bakit hindi ka nagpasabing uuwi?"

Naka ngiting nilingon ko si Yaya Salud nang mabosesan ko ito. Agad akong lumapit dito at yumakap. "I miss you so much, Yaya!", masaya kong bati rito.

"Ikaw talagang bata ka! Hindi ka man lang talaga nagsabi", natawa ako sa tinuran nito.

"It's a surprise kasi Yaya! Hindi ka ba nagulat na makita ako?", tanong ko habang yakap pa rin ito.

"Gulat na gulat nga! Nagtaka ako kung bakit biglang tinawag ako ni Dolor. Umuwi ka raw. Naku! Paglabas ko ng kusina ay nandito ka na nga...", paliwanag nito pero bakas sa tono ng boses na masaya itong makitang umuwi ako rito sa aming mansion.

Umayos ako ng tayo nang bumitaw ng yakap dito. Tiningala ako nito at hinaplos ang aking pisngi na ikinangiti ko lalo. Halata sa mga mata nito ang pagka miss din sa akin. "Ikaw na ikaw pa rin. Walang pinagbago... napaka ganda pa rin", komento nito habang tinititigan ako at panay ang haplos sa aking pisngi pati mga braso. "Nandito na nga ang alaga ko", masaya nitong wika.

Painful Scar (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon