Chapter 80

179 6 0
                                    

Third Person POV

Mula sa pagkakaupo ay agad na napatayo si Corby nang marinig ang isang malakas na sigaw. Nagmadali syang puntahan ang nasa loob ng silid.

Nagkamalay na rin sa wakas...

Agad na binato sya ng babae ng unan nang makita sya sa bungad nang pinto. Mabilis naman nyang nasalo ang unan at pahagis na ibinalik nya iyon sa kama kung saan naka upo ang babae. "Walanghiya ka! Anong ginawa mo sa'kin?!", galit nitong tanong habang takip-takip ng kumot ang katawan.

Napamaang ang binata. "Wala ak-f*ck!", he cussed when she throws another pillow at him again na tumama mismo sa kanyang mukha bago iyon nahulog sa sahig.

Napapikit sya at hingang malalim.

"Anong wala?! Hinubaran mo 'ko!
M-May ginawa ka sa'kin, no?", akusa pa ng babae sa kanya na halos ikailing nya. Hindi sya makapaniwala sa patuloy na ibinibintang nito sa kanya. He boredly look at her. "You take advantage of me!", galit na hiyaw nito sabay palahaw ng iyak.

T*ngina!

Ito ang ayaw nya sa mga babae. Iyong bigla-bigla na lang aatungal ng iyak. Wala pa nga syang sinasabi ay nag assumed na agad ito.

And what did she say?

He took advantage of her?!

She must be dreaming...

That won't happen! Hindi sya pumapatol sa babaeng may amats! Ang lakas ng loob magpakalasing tapos ay wala namang pang uwi.

Sya na nga ang tumulong pero sya pa ang napasama. T*ngina naman!

Kung hindi lang ito babae ay baka kanina nya pa napilipit ang leeg nito.

He boredly look at her again. "Look, miss...wala akong ginawa sa'yo at hindi ako ang naghubad sa'yo", may diin na paliwanag nya dahil baka mamaya ay sabihin na nitong panagutan nya ito.

Mapipikot pa sya ng wala sa oras. T*ngina! Mayayari sya nito kay Wilona...

At sa dinami-rami ng pwedeng ibintang sa kanya ay iyon pa talaga. Knowing na suot pa rin naman nito ang pang loob. She's not totally naked!

He sighed.

Napagkamalan pa nga...

Mukha ba syang r*pist?! Ang gwapo naman nyang r*pist kung sakali.

Baka imbes na pilit ang mangyari ay magpa ubaya na lang ang mga babae sa kanya kung ganoon. Women will just willingly pull their underwears down and freely spread their legs for him.

Just to have a taste of him...

Pero hindi naman maiiwasan na iyon ang isipin ng babae kung magisnan nga naman nito ang sarili na walang suot na damit at magigising na nasa ibang lugar na hindi pa nito alam kung saan. Malamang na iyon nga ang iisipin nito. Tsk.

Kung sakaling hindi nya ito binalikan ay baka nga ang iniisip nito ang nangyari rito.

Nang makita nyang hinintuan ito ng  itim na kotse ay hindi na sya nag dalawang isip na i-atras ang kotse pabalik nang makita nya sa rear view mirror na lumabas sa sinasakyan ang isang matandang lalake. Bumusina sya ng malakas nang hawakan nito ang babae at pilit hinihila pasakay sa dala nitong sasakyan kahit nagpapa palag iyon.

Nang marinig nito ang pagbusina nya ay tila nataranta ito. Binitawan na lang nito ng basta ang babae na ikinasadsad noon sa sementadong daan at nagmadali ang matanda na bumalik sa loob ng sasakyan nito saka iyon pinasibat ng mabilis.

Muntikan na ang babae sa matandang iyon. Kay tanda na pero may pagka manyakis pa rin ang h*yup!

Mukhang wala rin iyon sa huwisyo dahil sa tingin nya ay naka inom din dahil sa pamumula nito. Kaya siguro pahinto-hinto iyon kung magmaneho nang maka sabayan nya sa daan.

Painful Scar (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon