Chapter 41

163 3 0
                                    

Third Person POV

Hindi nya alam na pupunta rin pala si Corby sa pagtitipon na ito. Her grandpa didn't even tell her. Ang ngiti sa labi nya ay unti-unting naglaho nang mapansin ang katabi nitong babae na naka-abrisyete pa sa braso ng binata. The same woman she saw in his unit. Ang kahalikan nito...

Naka suot iyon ng long black tube gown na halos lumuwa na ang ibabaw ng mga dibdib nito. Masyado itong nabiyayaan. Nakataas ang buhok nito into a bun at kay kapal ng make up sa mukha.

Ilang layer kaya ng foundation ang ipinahid nito sa mukha?

Nawala ang pagsuri nya sa babae nang nakipag kamay si Corby sa mga naroon sa kanilang lamesa habang isa-isang binabati ang mga iyon. Pinakilala rin nito ang kasamang babae na Noreen pala ang pangalan.

Sanay na sanay ang binata sa pakikipag socialize hanggang sa balingan ulit nito ang kanyang lolo. May sinabi rito si Lucio na ikinabaling ng tingin nito sa kanya pati ng babae.

Dahil nasa formal business event sila ay napilitang ipakilala ng binata ang katabing babae sa kanya. Kung wala ay nuncang ipakilala siguro sya ng binata sa babaeng kasama.

Tumayo sya sa kinauupuan at hinarap ang mga ito kahit ayaw nya. No choice, eh! Nakipag kamay sya roon nang ito ang unang naglahad ng kamay sa kanya nang ipakilala ni Corby ang babae. Tinanggap naman nya iyon matapos naman banggitin ng binata ang pangalan nya sa kasama.

Nginitian din nya iyon pabalik kahit alam nyang napipilitan lang sya. Ewan nya lang sa babae kung totoo ang ngiting ipinakita sa kanya.

Inaya ang dalawang maupo pagkatapos at dahil ang nasa kanyang kanan ang bakante ay doon pumweto ng upo si Corby sa tabi nya mismo. Napapagitnaan tuloy sya ng kanyang lolo at ng binata. Ang babae naman ay nasa kabilang gilid ni Corby na inalalayan pa nito sa pag upo. Tumaas ang isa nyang kilay.

Medyo iniusog nya ng kaunti ang inuupuan palayo sa binata nang di sadyang magdikit ang kanilang mga braso nang ito naman ang sunod na naupo. Pansin nyang tiningnan sya nito pero wala namang sinabi. Huminga lang ng malalim.

Nagpatuloy ang pag uusap hanggang sa i-sinerve ang pagkain sa kanilang mesa.

Ni hindi nya magawang galawin ang pagkain dahil sa naiilang sya sa presensya ng katabi hanggang sa balingan siya nito at bahagyang inilapit ang mukha sa gilid ng kanyang tenga.

Ramdam nya ang init ng paghinga nito sa kanyang balat. Mas naamoy nya rin ang manly scent nito na banayad ang dating sa kanyang pang amoy.

"If you don't like the food, I can ask them to change it for you", rinig nyang wika ni Corby sa mahinang boses pero sapat upang marinig nya pero hindi nya ito pinansin. Kahit lingon ay hindi nya ginawa. She just started to eat the slice of meat on her plate silently.

Pinilit nyang ibigay ang atensyon sa pagkain pero hirap sya dahil sa gilid ng kanyang mga mata ay kita nya ang pagbubulungan ng dalawa habang kumakain. Panay kasi ang lapit ng mukha ng babae kay Corby at may kung anong ibinubulong sa binata.

Napadiin tuloy ang pagtusok nya ng tinidor sa karne. She slice the meat a few times. Nagka pira-piraso tuloy iyon. But she doesn't mind. Kinain pa rin naman iyon hanggang sa kaunti na lang ang matira.

She focus herself on eating and not minding the two on her side.

Sinunod nyang tikman ang iba pang pagkain hanggang sa dessert.  Pagkatapos ay kinuha nya ang naroong tubig sa baso at ininom iyon saka nya binalingan ang kanyang lolo. Sinabi nyang pupunta lang sya sa washroom. She excused herself at naglakad palabas ng function room. Huli pa nya ang paghabol ng tingin ni Corby sa kanya.

Painful Scar (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon