Chapter 29

153 2 0
                                    

Wilona

Tumayo ako at sinukbit ang bag para umuwi na. Natigil na rin ang pag iingay sa loob ng bag ko pero sigurado ako na puro text messages ang phone ko pagbukas ko mamaya.

Nang makarating ng apartment ay agad na nagpalit ako ng damit. Tinungo ko ang ref to check if Grasya left a note. As usual, meron. She said na nakaluto na ito ng ulam at kanin ko. Natiklop at naplantsa na rin daw nito ang mga damit ko na nilabhan nito noong isang araw.

Grasya is really a big help for me.

Kinuha ko ang bag ko na inilagay ko lang sa may sofa. I get my phone inside at tama ako na may messages ni Corby bukod pa sa mga missed calls nito.

He's asking me kung bakit ako tumawag nang ganoong kaaga. Kung may nangyari ba o kung may kailangan ako?

Napilitan akong mag send ng message sa kanya kahit ayoko para lang hindi nya ako kulitin pa. I remind myself na hindi ko na ito tatawagan ulit.

Noong unang tinawagan ko nga pala ito ay naistorbo ko ito sa isang mahalagang meeting na ikinagalit nito. Bakit ba hindi ko iyon naalala agad? Tapos ngayon naman ay naistorbo ko sa pagtulog kasama ang isang babae. Malamang na puyat pa ang dalawa sa kung ano mang milagrong ginawa.

At sa mga pagkakataon na iyon pagkatapos kong tumawag ay umiiyak akong mag isa...katulad ngayon.

Hindi ko napigilan ang pag alpas ng luha sa aking pisngi sa kaalamang may sinisipingan itong iba habang ako ay nasa malayo.

Hindi naman dapat ako apektado dahil hindi naman kami pero hindi ko kasi mapigilan.

I typed a message. Sinabi ko na lang  na hindi sinasadyang napindot ko ang call button at natawagan ito. Bahala na si Corby kung paniniwalaan iyon.

Pinunasan ko ang aking pisngi at mariin na kinagat ang aking ibabang labi. Pero muling tumulo ang luha ko kasabay ng pagkirot sa parte ng puso ko.

Tinakpan ko ng dalawang kamay ang aking mukha at hinayaan ang sariling umiyak.

Corby is definitely my first heartache!

Ganito pala kahirap kapag may ginusto kang tao tapos hindi naman kayo.

Masasaktan at masasaktan ka lang talaga!

Pero wala naman akong karapatan na maramdaman iyon kung umpisa pa lang ay hindi naman sya sa akin.

He's free to do whatever he wants and to bed any woman he likes without knowing that I'm hurting inside!

That's the sad part of secretly loving a man like him...

***

Sa tuwing tinatawagan ako ni Corby ay casual akong nakikipag usap. Lalo na kung may itinatanong ito tungkol sa kalagayan ko rito. Alam kong ramdam nya ang panlalamig sa boses ko pero we're talking as if...it's just nothing.

Hindi ko na rin tinanong pa iyong tungkol sa babaeng kasama nitong matulog dahil hindi iyon tutugma sa sinabi ko sa kanya. Iisipin nito na talagang tinawagan ko ito. Malalaman nitong nagsinungaling ako.

Ano rin naman ang karapatan kong magtanong sa kanya, di ba? Private life na nito iyon at labas na ako roon.

Madalas ay ako na ang nag e-end ng call. Hindi ko pinapatagal ang usapan namin.

Dahil lalo lang akong mahuhulog sa kanya...

Sinubukan ko na noon na layuan ito ngunit sadyang pinaglalapit kami ng panahon pero ngayon na nasa ibang bansa na ako at malayo sa binata, tingin ko ay magagawa ko nang tuluyang maiwasan ito.

Painful Scar (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon