Chapter 36

163 4 0
                                    

Third Person POV

Matiyagang hinihintay ni Corby ang paglapag ng eroplanong kinalululanan nila Mr. Lucio at Wilona kasama si Salud.

Ngayon ang dating ng mga ito mula Massachusetts, tatlong araw matapos ang graduation day ni Wilona roon na hindi man lang nya nagawang daluhan. Nakakapang hinayang!

Kung kailan mahalaga ang okasyon ay doon pa sya hindi nakapunta. Pagkakataon nga naman...

Nang malaman nya ang flight details ng mga ito ay agad syang kumilos kahit alanganin. Sya ang mismong susundo sa mga ito rito sa airport kahit na ba kaya naman nyang ipag utos na lang iyon sa mga tauhan ni Franzen ayon na rin sa sinabi ng matanda sa kanya nang makausap nya iyon.

Pero mas gusto nyang sya ang personal na gagawa noon. Ayaw nyang ipag utos sa iba ang pagsundo lalo pa at kasama si Wilona sa pagbalik ng mga ito sa bansa.

Iniisip lang nya ang kaligtasan ng mga ito at mapapanatag lang sya kapag naihatid na nya ang tatlo sa mansion.

Tiningnan nya ang suot na relo sa bisig. Mahigit sa trenta minutos na syang naghihintay. Wala namang problema sa kanya iyon dahil inagahan naman talaga nya ang pagpunta rito. Mabuti na iyon kesa ang mga ito pa ang maghintay.

Sa mga oras na ito ay nakalapag na ang sinasakyan ng tatlo. Malamang na kinukuha na lang ang mga dalang bagahe.

Huminga sya ng malalim at pinasadahan ng dila ang nanunuyot na labi. Ang mga mata nya ay nakatutok sa mismong exit area. Kaunting hintay pa at palabas na rin ang kanyang mga susunduin. Konting tiis pa.

Hinayon nya ng tingin ang mga tauhan na nakaabang din malapit sa kanyang kinatatayuan. Making sure they are all alert. Akmang lalapitan sya ng isa nang malingunan sya pero agad na inilingan nya ito na ikinabalik naman nito sa pwesto.

Muli ay huminga sya ng malalim. Kinuha nya ang panyo sa bulsa ng pantalon at ipinunas iyon sa kanyang noo pati sa gilid ng kanyang mukha. Kanina pa sya pinagpapawisan pero alam nyang hindi lang iyon dahil sa init.

What taking them so long?

Kung sa ibang pagkakataon ay balewala sa kanya ang maghintay ng matagal. He's used to it lalo na kung may kinalaman sa trabaho. Pero iba kasi ngayon...baka hindi nya kayanin kung magtatagal pa.

Umayos sya sa pagkakatayo at maingat na isinandal ang likod sa gilid ng kotse. Napapikit sya at muli ay huminga ng malalim. Sa isip ay ilang beses na syang napapamura.

"Gusto nyo po ng tubig, Sir?", may pag aalalang tanong ng isa sa mga tauhan.

Umiling sya. "No. I'm g-good", tanging sagot nya rito at bumalik din iyon sa mga kasamahan matapos syang tingnan saglit.

Tumunog ang phone sa kanyang bulsa. Saglit nyang sinilip iyon upang tingnan kung sino ang tumatawag at nang makita kung sino ay binalewala iyon.

He didn't even bother to answer it.

Kanina pa nga iyon tumatawag sa kanya at alam naman nya ang dahilan kung bakit pero hindi nya lang sinasagot. Sinundan pa iyon ng iba pang tawag mula sa ibang numero pero katulad sa nauna ay hindi rin nya iyon sinagot.

Mamaya na lang nya haharapin ang mga ito. May importante lang syang kailangan gawin ngayon na hindi nya pwedeng ipagpaliban.

Napatuwid sya ng tayo nang makita ang bulto ni Lucio katabi si Salud habang naglalakad pa exit. Nandito na sila. Agad na hinanap ng mga mata nya ang dalaga nang hindi nya agad nakita iyon.

Hanggang sa nakita nya ito sa may bandang likuran di kalayuan sa dalawa. Natakpan lang pala ito ng dagsa ng tao na papalabas din. Lihim syang napangiti nang masilayan ang dalaga habang hila-hila ang dalawang maleta.

Painful Scar (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon