Chapter 86

143 4 1
                                    

Not suitable for
young / minor readers.

(Strictly for adults only!)

Wilona

"Put me down!", at panibagong hampas ang natamo nito sa akin. "I hate you for always ruining what I have...", umiiyak kong saad at bago pa man ako maihiga nito sa kama ay natamaan ko ang gilid ng leeg nito ng aking kamay. Gumasgas ang kuko ko sa balat nito na ikinasugat doon. Lumikha iyon ng manipis ngunit pahabang sugat.

Napatigil ako nang salatin nito ang leeg na nasugatan matapos akong maihiga rito sa kama ko. May kaunting bahid iyon ng dugo at alam kong mahapdi iyon.

"C-Corby..."

"Hush", he whispered at hinawi ang parte ng buhok kong tumabing sa gilid ng aking mukha nang maupo ito sa gilid ng kama. Binalewala nito ang sugat sa leeg at muling itinuon sa akin ang buong atensyon.

Suminghot ako pero panibagong luha ang lumandas sa aking pisngi na mabilis na pinahid ng kamay ni Corby.

"Kagabi ka pa iyak nang iyak. Namamaga na 'yang mga mata mo", paalala nito at masuyong hinaplos ang aking pisngi. Iniiwas ko ang mukha sa kanyang pagkakahawak at pinaling pa-kanan ang aking ulo. "Wilona...?", at pilit pinababaling ulit nito ang mukha ko paharap dito pero nag iwas pa rin ako. "Ang aga para umiyak ka ng ganyan..."

"Kasalanan mo!", I angrily answered without looking at him. Tumagilid ako ng higa at tinalikuran ito ngunit sa pagpaling ko ay panibagong luha ang dumaloy sa aking pisngi.

I cry silently this time and just let my tears fall. Ayaw na kasing tumigil ng mga mata ko sa pagluha kahit nananakit na. Ang mga hindi ko na masabing laman ng aking dibdib ay idinadaan ko na lang sa pag luha.

Dinig ko ang paghinga ng malalim ni Corby at ramdam ko ang init ng mga titig nito sa akin; sing init iyon ng mga luha ko na hindi na matigil-tigil sa paglandas.

Yumukod ito at inilapit ang katawan sa akin. Ang isang kamay nito ay itinukod nito sa kama malapit sa tapat ng aking tyan habang ang isa ay nasa bandang likuran ko. He gently plant a soft kiss on my shoulder while saying 'sorry' pero dahil sa galit ako ay hindi ko ito pinansin. Hindi ko rin ito nililingon o ni tingnan man.

"Wilona...?"

Pumikit ako at muli ay naramdaman ko ang pag dampi ng malambot nitong labi sa aking kaliwang balikat. Tumagal ang labi nito roon hanggang sa umakyat iyon sa may gilid ng aking leeg. Tatlong beses na pinatakan ng halik ang balat ko roon bago ito tuluyang tumabi ng higa sa akin dito sa kama.

Ang isang braso nito ay automatikong yumakap sa gilid ng aking bewang habang ang mukha nito ay isinubsob nito sa gilid ng aking leeg kasabay ng paghigpit ng yakap ng braso nito sa akin.

I try to take his arm away from my waist pero tila iyon bato sa tigas. "I said I'm sorry...", he whispered while his face still buried on the side of my neck. I can actually feel the movement of his lips on my skin while he's speaking.

Muli ay suminghot ako pero nanatili akong tahimik. I can't easily accept his sorry! Ganoon na lang ba iyon? Sa tuwing pagkatapos nitong gumawa ng bagay na ikagagalit ko ay mag so-sorry na lang para lang matapos na? Idadaan na lang ba sa pag hingi ng tawad para ma-abswelto na sa ginawa?

Without even realizing what his actions could cause me...?!

The damage has been done!

Hindi iyon basta mabubura o matatakpan lang ng sorry nito ang nangyari. Iyong kanina...yes, he could replace my cellphone in an instant but the reason behind why he destroyed my phone is something that I will remember. It can't be erased just by saying 'sorry'.

Painful Scar (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon