Chapter 14

154 1 0
                                    

Third Person POV

He was with Brittany that time at saktong naroon din sa bar na iyon si Max. Wasted!

Sya ay nasa misyon na patuloy pa ring ilayo si Brittany kay Max. Parte ng plano nya na makipagkita sa babae at nang mag aya ito na mag bar sila ay agad na pinaunlakan nya para makuha agad ang loob nito nang sa ganoon ay maging madali ang isinasagawa nyang plano.

Naunang pumasok sa kanya ang babae dahil ipinark pa nya ang kotse at hinayaang mauna na ito sa loob.
Pagkapasok nya ay saktong nakita nyang nilapitan ni Brittany ang binata na noon ay akmang paalis na rin.

Hindi sinasadya ang pagkikita nila.

Nang makita sila ni Max na magkasama ni Brittany ay agad na umusbong ang galit dito dala na rin malamang ng nainom na alak.

Nagkasagutan at nagpang abot silang dalawa ni Max. Ang sumunod na nangyari ay nagka gulo na sa loob ng bar. Hindi sya ang nauna sa kanilang dalawa...kundi ito.

Ayaw nya sanang patulan dahil lasing na pero hindi naman sya papayag na ma-agrabyado. Ang siste...ito lang ba ang panay ang patama sa kanya?

Ang sakit din kaya...

Sa huli ay hindi nya napigilan ang sarili at kusang umigkas ang mga kamao rito. Ilang beses na pinatamaan nya ito at dahil malaking bulas din si Max ay nagawa din nitong makipag suntukan sa kanya.

Naroon na itinulak din sya nito ng malakas na ikinasubsob nya. T*ngina! Mababangasan pa yata sya.

Panibagong mura ang namutawi sa kanyang bibig nang muli sya nitong sunggaban. Hindi nya natantya ang bilis nito.

Ang mga bote sa mga lamesa at ilang naka display ay nagsipag bagsakan sa sahig. Basag ang mga iyon. Ang ilang mga customers ay nagsipagtayuan at lumayo sa kanila sa takot na madamay.

Sa galit nya ay sinalag nya ang kamao nito na sana'y muling ipapatama sa kanya. Kwinelyuhan nya si Max sabay suntok sa mukha na tumama sa may bandang mata nito. Napahiyaw si Brittany sa nakita at dinig nya pa ang pag awat nito sa kanila.

Pero nasagad na ang pasensya nya.

Hindi pa sya nakuntento at muling hinila ito. Pinatamaan naman ang sikmura ng binata na ikinaatras nito. Napadaing iyon sa sakit na sinundan ng pag ubo habang sapo ang nasaktang parte ng katawan.

Hanggang sa may dumating na bouncer na syang umawat sa kanila.

Ang nangyaring iyon sa bar ay nabalitaan ni Abe. Agad na pinatawag siya nito para makausap tungkol doon. Pinaliwanag naman nya ang side nya. Alam naman nito ang ugali ng anak kaya malamang na nauu nawaan nito ang kanyang inakto.

It's for his self-defense!

Ginawa nya iyon para sa sariling kaligtasan. Hindi naman sya basta papayag na sya lang ang maba basagan ng bungo.

Para saan pa ang mga natutunan nyang skills sa pakikipag laban kung hindi naman nya gagamitin iyon?

Ngunit sa huli ay pinagbilinan sya ng matanda na huwag nang patulan pa ang anak nito hanggat maaari. Kung hindi naman daw kailangan ay iwasan na magkasakitan silang dalawa.

As a father ay iyon talaga ang maririnig nya sa ama ni Max. Kahit na galit dito ang binata ay naroon pa rin ang pag aalala ni Abe para sa nag iisang anak. Ayaw nitong masasaktan iyon.

Napaka swerte nga ng binata sa ama pero nabubulagan naman ito ng matinding galit.

Kung sya nga na ulilang lubos na at hindi pa kilala ang totoong mga magulang ay ganoon na lang ang pag asam na makaramdam ulit ng pagma mahal at kalinga ng magulang ay siyang sinasayang naman ng binata.

Painful Scar (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon